Naglakad ako patungo sayo
Naglakad ako upang makapiling ka, upang maramdaman ang mga haplos mong mapagkalinga
Naglakad ako upang mahalin ka.Ngunit ngayon,
Naglakad ako palayo sayo hindi upang iparamdam sayo na hindi na kita mahal kundi
Naglakad ako upang ang umiibig sayo ay hindi magaya sa akin na maglakad din papalayo sayo.Maglalakad na ako upang magpatuloy, ngunit tandaan mo isang tawag mo lang hindi ako maglalakad kundi kakaripas ako papunta sayo mahal ko. Sana ganon din ang gawin mo. Patawarin mo ako.