Halos dati tayo'y magkatabi
Magkatabing nagtatawanan dahil sa mga Corny'ng kwentuhan
Hilig mo pa akong asarin
Pero hindi mo alam dun sa pang-aasar na yun natutunan na kitang mahalin
Natutunang mahalin kasi akala ko ako'y iyong sasaluhin
Pero hindi pala. Yun lamang ay aking akala
Umasa at walang napala
Walang napala kasi ngayon alam mo na
Alam mo na, na gusto kita at minsan minahal kita
Ako'y iyong iniwasan
Yung dating asaran, tawanan, at kwentuhanNgayon wala ng pansinan
Kailan pa kaya mauulit yung minsan bigla mong nahawakan ang aking kamay
Puso at isip gusto ng humiwalay
Nangingisay na para bang may kuryenteng dumadaloy sa aking katawan
Ngunit yun lamang ay panandalianPanandalian kasi ngayon wala na tayong dapat pang pagusapan
Wala ng dapat pang pag usapan kasi ngayon pinipilit ko na ika'y kalimutan
Kahit sa totoo lng ako'y nahihirapan
Nahihirapan kasi ang hirap mong kalimutan
Ang hirap kasi hanggang ngayon hindi ka mawala sa aking isipanDahil ikaw ay minahal ng lubusan
Pero ngayon ayoko ng umasa pa at masaktan
Pipilitin na lamang na ika'y kalimutan
Kahit ako ay nagdurusa at nasasaktan
Sana sa pagdaan ng panahonMaalala mo yung mga nangyari noon
Yung minsan kitang minahal ng lubusan, pinaglaban ng walang dahilan, at minsan na nagkagusto ako sa katabi ko sa upuan, yung minsan na nahulog ako sa aking kaibigan