Oo inaamin ko! Torpe ako!
Pero masisisi mo ba ko Kung ganito ko?
Pero kahit na torpe ako,
Handa kong sabihin ng buong buo
Ang nararamdaman ko para sayo.Nakakapagod masaktan ng masaktan ng masaktan.
Nakakapagod na paulit ulit kang tinatanggihan at iniiwan.
At eto ang dahilan,
Kung bakit di masabi sayo ang tunay kong nararamdaman.Pasensya na kung di ako nagsasalita.
Di ko masabi sayo ang salitang MAHAL KITA.
Pero eto na lalakasan ko na.
Handa na kong sabihin sayo ang tunay kong nadarama.Oo ikaw! Ikaw ung babaeng tinutukoy ko sa bawat kwento.
Oo ikaw! Ikaw ung babaeng bukang bibig ng puso ko.
Oo ikaw! Ikaw ung gusto ko makasama habang buhay.
Oo ikaw! Ikaw lang naman hayyyy.Di ko alam kung sadyang manhid ka
O talagang nagmamanhid-manhidan ka.
Di ko alam kung di mo pa alam.
O sadyang di mo talaga inaalam.Pero nagtataka lang ako.
Bakit biglang naging ganto?
Tila ba bigla mo nalang akong iniwasan.
Dahil ba? Alam mo na ang tunay kong nararamdaman.
Alam kong di mo mababasa tong aking sinulat.
Dahil ikaw ay di mulat.
Di mulat sa katotohanan.
Di mulat sa tunay kong nararamdaman.Kaya sa tingin ko mas mabuti nalang na manahimik ako
At di sabihin ang tunay kong nararamdaman para sayo
Dahil ikaw at ako ay walang pagasang maging tayo.Ngunit isang araw, lumapit ako sayo
Gusto lamang kitang kausapin
Para masabi ang aking damdamin
Pero anong ginawa mo ? Ikaw ay lumayo, nagpakalayo-layo.kinagabihan nun sinubukan kitang kausapin
Pero ikaw ay di namansin
Di mo man lang maseen
Ang aking tunay na damdamin.Kaya gumawa ako ng liham para masabi sayo ang tunay kong nararamdaman
Pero di ko alam na sa ganun pamamaraan
Ay mawawalan ako ng taong minamahal at kaibigan.
Ngayon alam kona dapat di ko nalang sinabi ang tunay kong nararamdaman.Ngayon, alam ko na.
Mas tama ngang manahimik ka nalang talaga.
Dahil hindi lahat ng tao bibigyan ka ng pagasa.Pero ako ay umaasa
Na bibigyan mo ko ng tyansa
Na mapatunayan na mahal kita.Hindi ako susuko.
Maghihintay ako sayo
Dahil ako ay sigurado
Na ikaw ang mamahalin ko hanggang dito.