PAALAM

52 0 0
                                    

Mahal, Naaalala mo pa ba?
Kung saan tayo nag simula
Kasi ako "Oo" sariwa pa sa aking isipan
Sariwa pa sa aking isipan noong ako'y iyong minahal

Minahal kahit alam nating dalawa na bawal
Sariwa pa sa aking isipan noong ako'y iyong iniwan

Iniwan ng walang sapat na dahilan
At doon nagtapos ang ating pag-iibigan
Na akala ko ay pang matagalan
Hindi pala.

Hindi naman pala kasi hindi nagtagal ako'y iyong iniwan
Iniwan ng walang paalam, Iniwan ng biglaan

Iniwan ng hindi iniisip kung ako'y masasaktan
Ganon-ganon na lang?
Matapos ang ating pinagsamahan,

Mahal.....
Hindi pala dapat mahal kasi kung talagang mahal mo ako hindi mo ako iiwan, kaya babaguhin ko, papalitan ko, Ikaw

Oo ikaw... Ikaw na nag pangako saakin na hindi ako iiwan
Bumagyo man sa ating pagitan
Marami man ang pagsubok na dumaan
Hindi mo ako iiwan

Sabi mo.... Sabi mo hindi mo ako iiwan
Ngunit ako'y nagka mali
Kasi noong dumating siya iniwan mo ako ng ganon kadali

Hindi ka nag-alangan at hindi mo man lang pinag-isipan
Hindi mo man sabihin saakin ng harapan
Alam mo na alam ko ang dahilan ng iyong paglisan

Naaalala mo pa ba?
Noong sinagot kita, Hindi na mapawi ang ngiti sa iyo labi
Pero tila nag iba ang ihip ng hangin, ngayon iba na ang dahilan ng iyong pag ngiti

Ngayon lahat ng masasayang araw ay kabilang na sa Libo-libo kong Imahinasyon
Kung maging tayo pa man yun na lamang ay matatawag kong pag Iilusyon
Mga ala ala na pipiliting limutin
Huhukayin dahil sa isipan na ay nakatanim
Lahat ng ala-ala
Lahat ng masasamang ala-ala na binuo nating dalawa

Lahat ng masasamang ala-ala na ikaw ang may gawa
Kailangan ng limutin
Upang sakit na nararamdaman tuluyan ng mawala sa aking damdamin
Bubuo ako ng mga bagong masasayang ala-ala sa mga lugar na nagpapaalala sa ating dalawa

Mga pangarap nating dalawa tutuparin ko ng mag-isa
Mabubuhay ako ng wala ka
Kakayanin kong mabuhay ng hindi ka kasama
Gagawa ako ng bagong ala-ala ng ako lang ang mag isa
Paalam Mahal sana Kayo ay maging masaya
Paalam.....

P O E T R YTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon