Uumpisahan ko sa salitang "Paalam"
Paalam sa dahilang di ko alam
Paalam dahil pakiramdam kong sawa ka na
Paalam dahil alam kong umalis ka na
Paalam dahil wala ng pakiramdamManhid ka na
Dahil wala na sya
S'ya na sinabihan mong mahal kita
Mahal kita ang kahit kailan
Di mo na maririnig sa kanyaTayong dalawa
Ang dating sinabi mo nung nangako ka
Mga pangako na akala ko
Na pwedeng itagoNais ko sana ibaon sa hukay
Ang relasyon na mula sa away
Na napunta sa salitang "hiwalay"
Na dahil sa isang desisyon ay
Napunta sa mga salitang "masakit" at "aray"Salamat at alam ko na
Ang laro na ayaw laruin ng iba
Na imbis "Langit Lupa"
Naging larong "Langit Luha"