SA PAGBILANG KO NG TATLO

33 0 0
                                    

Isa, dalawa, tatlo,
Sa pagbilang ko ng tatlo nawala na feelings mo.
Isa, dalawa, tatlo,
Sa pagbilang ko ng tatlo nawala kana sa piling ko.

Magsimula muna tayo sa isa,
Sa isa kung saan tayo unang nagkita,
Sa isa kung saan, kailan, at paano
Na kung sa paanong paraan mo nakuha ang loob ko,
Na kung paano mo binago yung magulo kong mundo,
Na kung paano mo ginawang matamis ang mapapait na ngiti ko.

Tapos dumating tayo sa dalawa,
Panahon kung saan nangako ka na tayo na, na tayo nang talaga
Na kahit anong mangyari ako lang yung mahal mo, ako lang hanggang dulo
Sa dalawa na kung kailan mo ipinaramdam sa'akin na karapat-dapat ka sa matamis na OO.
Kaya OO mahal, meron nang TAYO
Simula ng dumating yung IKAW sa buhay ko, at ang AKO sa buhay mo marami ng nagbago,
Yung tahimik kong mundo, nagulo.
Yung mundo kong patay, bigla na lang nabuhay.

Sa hindi inaasahang pagkakataon dumating tayo sa tatlo,
Panahon kung saan ka nagloko,
Kung kailan nagkaroon ng S'YA sa TAYO,
Kung kailan ka napagod at sinabing "Mahal, wala na yung pagmamahal ko"
Hindi ko alam kung paano nawala yung pagmamahal mo eh parang kanina lang okay pa tayo?

Nawala na yung IKAW na takot mawala yung AKO kasi meron ng S'YA sa buhay mo.
Iniwan mo yung TAYO para magkaroon ng KAYO
Hindi ako nagsisi na nagkaroon ng tayo,
Hind ako nagsisi na umabot tayo sa tatlo,
Alam mo kung ano yung pinagsisihan ko? Yung hinayaan kitang magsimula sa isa.
Kaya Isa, Dalawa, Tatlo,
Sa pagbilang ko ng tatlo tapos na ang ating kwento

P O E T R YTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon