Isang salitang ginagamit ng iba,
Upang maitago ang napakaraming luha
Ginagamit nalang kapag kailangan,
Upang maitago ang nararamdamanIsinulat ko ito, upang maging daan
Upang magpaalam sayo at sa aking nararamdaman
Na kahit sa huling pagkakataon na makita mo ako
Ay makita mo na nakangiti akoAko ay nakangiti, Di dahil masaya ako
Kundi ginamit ko ito upang maitago ko
Maitago ko ang kalungkutan
Ang kalungkutan, Na kahit kailan ay wala ng katapusanMaraming pagsisikap ang aking ginawa
Upang sayo ay mag silbi itong tuwa
Tuwa na babaunin mo sana
Hanggang sa pagtandaNgunit ngayon ay wala ka na
Na kahit kailan ay di na kita makakasama
Na kahit kailan ay di na kita mayayakap o hahagkan
Na kahit kailan ay di na kita masisilayanNgayon ay alam ko na, Na masaya ka na
Masaya ka na sa piling ng iba
Sa piling nang mag mamahal at mag aalaga sayo
Na dapat ay "Ako"