NAGPABAGO

17 0 2
                                    

Masarap magmahal lalo na kung tunay
Pero minsan masakit kapag puso mo'y nasanay
Minsan rin ay may di inaasahang bagay
Na maaaring dumating sa iyong buhay

Taong nagpabago sa aking pagkatao
At nagbigay kulay sa aking mundo
Ay biglang nakalimot at naglaho
Nag-iwan ng pusong nagdurugo

Mga panahon na dati ay espesyal
Dahil kayong dalawa ay kapwa nagmamahal
Inaakalang puso nati'y humahalal
Pero mga pangako ay naging dangal

Marahil pangkaraniwan kung pakinggan
Pero nakakamatay pag ating nararamdaman
Masalimuot na nakaraan
Na nagbigay aral at karanasan

Sa bawat tapos ng isang kwento
Ang pagbubukas ng bagong yugto
Na magbubuo ng panibagong kwento
At pagtatagpuin ang ating mga puso

P O E T R YTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon