Salamat sa pagkakaibigan
Salamat sa mahigit isang taon na lagi kang nandyan sa tabi ko
Salamat sa pag papaalala na hindi pa katapusan ng mundo para magmukmok na lang at huwag ng ipagpatuloy ang buhay
Salamat sa araw araw na pag papaalala na MAHAL MO AKO
Salamat sa mga pangako mo na ang iba ay natupad at ang iba naman ay naglaho na.
Salamat sa pagmamahal, Pagmamahal na una kong naramdaman sayo Pagmamahal na sana hindi na lamang nawala. Pagmamahal na kailanman ay di na mauulit pa.Mahal salamat salamat dahil sa mga oras na nasa tabi kita ikaw lang ang naging sandalan ko. Sana siya na ang para sayo at ako? Eto unti unti ng natatanggap ang mga pangyayari. Unti unti ng naiintindihan kung bakit siya pa rin ang iyong pinili, unti unti ko ng natatanggap na ang isang tulad mo ay di na sakin na ang isang tulad mo kailanma'y hindi ko na matatawag na "AKIN"
Kaya bes SALAMAT, kahit sobrang sakit ng iyong pag iwan sa akin, tatanggapin ko dahil kahit papano isa ka sa parte ng buhay ko kung bakit naging masaya ang isang tulad ko. dahil sayo kaya nandidito ako ngayon malakas at kaya na ulit bumuo ng panibagong istorya.
SALAMAT MAHAL SALAMAT