Ano pa ba ang maidudulot ng pag-ibig maliban sa sakit na pilit ibinabalik at binabaon ng paulit-ulit.
Ang saya na mag dudulot ng ngiti sa mga labi? Ang pag pawi ng mga luha na resulta ng pait at mga pananakit ng mga alaalang patuloy na iwinawaglit?
Ang bilis ng tinok ng puso, pag gulo ng mga ideya sa isip at lalo na ang pag papasya kung mamahalin mo pa o sadyang mag paparaya kana dahil ayaw mong akuin at tanggapin ang katotohanang hindi ikaw ang mahal nya kundi iba.
Patuloy paring nag tatalo ang isip at puso, kung kakapit pa at patuloy na mag hihintay ng pag-asa o sadyang bibitaw na nang hindi na masaktan pa ng sobra.