WALA NG IKAW AT AKO

20 1 0
                                    

"Wala ng Ikaw at Ako"

Muling bumabalik lahat sa aking alaala,
Mga naraan nung tayo pa ay magkasama,
Sumagi muli sa aking isipan,
Lahat ng binitawan nating sumpaan

Sabi mo'y di iiwan at ipagpapalit sa iba,
Gaano man kadami ang dumating na problema,
Hawak-kamay natin itong haharapin,
At sabay na ipagmamalaki na ito'y kinaya natin.

Bigla na lang akong natawa,
Nang mpansin na may tumutulong luha,
Agad ko itong pinunasan,
Habang yakap-yakap ko ang aking unan.

Sa tagal ng panahon na lumipas,
Sa nakaraan nati'y di pa rin ako makaalpas,
Alam kong masaya ka na sa piling niya,
Masayang gumagawa ng mga bagong alaala.

Wala na akong pgpipilian pang gawin,
Ang katotohanan ay dapat ko ng tanggapin,
Wala ng tayo, wala ng ikaw at ako,
Salamat sa mga alaalang iniwan mo.

Sa huling pagkakataon ay aking sasambitin,
Itong nilalaman ng aking damdamin,
Kung ipapahintulot lang na ibalik ang panahon,
Mamahalin pa rin kita sa huling pagkakataon.

---
Nakakapit ka pa rin ba?

P O E T R YTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon