Una sa lahat, patawad.
Patawad hindi dahil sa nagawa kong kasalanan.
Patawad dahil akala ko...
Akala ko hindi ako mapapagod ipaglaban tong relasyon na to
Na dapat tayong dalawa ang gumagawa
Pero ngayon? ako nalang.Patawad dahil akala ko hindi ako magsasawa na intindihin ka.
Patawad kasi akala ko sapat na yung mahal kita
Para hindi ako sumuko sa relasyong meron tayong dalawa.
At huli sa lahat...
Patawad. Patawad dahil paulit ulit kitang pinatawad
PAULIT ULIT AKONG NANIWALA SAYO NG WALANG PATAWAD,
Naniwala sayo na sa pangalawang pagkakataon hindi mo na ko muling sasaktan
Hindi mo na ko muling papaiyakin,
At hindi mo na ko muling iiwan.Pero ano na? Mahal nasan na?
Asan na yung mga pangakong binitawan mo?
Asaan na yung mga matatamis na salitang binitawan mo?
Ang tanga ko no?
Oo tanga ko, tanga ako lalo na pag dating sayo
Tanga ako kasi naniwala ako sa lahat ng sinabi mo.
SA MGA KASINUNGALINGANG SINABI MO,
Tanga ako lalo na ngayong pinagtatabuyan mo na ko...
Pero ako?
Eto pinagpipilitan ang sarili sayo.Hanggang kelan?
Hanggang kelan mo ko tatratuhin ng ganito?
Hanggang kelan mo ko sasaktan ng ganito?
Hanggang kelan mo ko ipagtatabuyan lalo na kapag gusto kong maayos ang kung anong meron tayo
Hanggang kelan ako magsasayang ng mga luha dahil sayo? Tayo?
Ay oo nga pala walang tayo
Pero ano yung mga sinasabi mong "i love you"
puro kasinungalingan lang ba ang lahat ng yon?
Ayaw mo kong mawala pero anong ginagawa mo?
Sabi mo sawa ka na.
Nagsasawa ka na sa paulit ulit nating pagtatalo
Nagsasawa ka na sa ugali kong to.Ngayon mahal ako naman ang nagsasawa.
Sawa na ako hindi dahil sa paulit ulit na away o sa ugali mo.
Nagsasawa na kong masaktan, umiyak at ipagpalit sa iba.
Nagsasawa na kong maiwan mo at makalipas lang ng ilang araw mababalitaan ko?Ayun, may bago ka na.
Hanggang dito nalang siguro
Dahil pagod na kong mahalin ka
Lalo na kapag nagiging gago ka na.
Patawarin mo ako dahil huli na ito.
Oo mahal pinapatawad na kita kasabay ng huli kong pagbigkas ng mahal kita.
Mahal kita kaya ngayon malaya ka na.
Nakakapagod din pala na paulit ulit ng magpakatanga lalo na sayo na hindi marunong magpahalaga.