NAGSIMULA SA PAGKAKAIBIGAN

31 3 2
                                    

Nagsimula sa pagkakaibigan
Magkaibigan ang turingan
Araw araw tayo'y magkausap
Ika'y laging hinahanap hanap
Mga ngiti at tawa nating dalawa
Sa tuwing tayo'y magkasama
Maraming na tayong alaala
Masasayang mga alaala.

Ikaw ang kumukumpleto ng araw ko
Gusto ko ikaw lagi ang kausap ko
Pero naisip ko parang iba na ito
Iba natong nararamdaman ko para sayo
Hindi ko masabi sayo
Dahil natatakot ako
Natatakot ako na baka lumayo ka
At baka iwan mo ako.

Sapat na saking ako'y kaibigan mo
Kaibigan na laging kausap mo
At laging kasama mo
At nagpapasaya sayo
Siguro nga'y ika'y akin ng nagugustuhan
Ngunit alam kong ako'y lamang iyong kaibigan.

Bawat araw nararamdaman ko na ito'y mas lumalalim
Ang aking nararamdaman para sayo
Unti unti na kong nahuhulog sayo
At sana ako'y mapatawad mo
Mapatawad dahil hindi ko napigilan ang sarili ko
Na mahulog sayo.

P O E T R YTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon