Alas – dos ng umaga, Bumangon ako sa aking kama
Naghahanap ng yakap at nananalangin na sana ay may matanggap
Nangangarap parin kahit wala na, kahit wala ka na
Sa tabi ko, sa tabi ko na nangangarap pa rin na hagkan moNag umpisa tayo sa simpleng tawanan
Sa simpleng kantahan, Sa simpleng katuwaan
Parang isang kwento, isang kwento sa kwadernong hawak ko
Na isinusulat ko ang kwento, sa bawat ngiting ipinapakita koLumipas ang ilang araw, buwan at taon
Pinipilit ko paring di mag tapat, kahit na maraming pagkakataon
Kahit na mahal na mahal ko sya, di ko pinilit na umamin sa kanya
Ayan tuloy, Napunta na sya sa ibaNaging mahirap ang sitwasyon, Dahil sa bawat pagkakataon
Sya ang kasama mo, kasama mo na tumatawa, umiiyak at sa pagiging masaya
Na dapat ako, Dapat ako na nagpapatawa sa tuwing malungkot ka
Nagpapatahan sa tuwing umiiyak kaDumating ang mga araw na alam ko na
Masaya ka na sa kanya
Na alam ko na hanggang dito nalang
Na hanggang kaibigan nalang
Kaya bumalik ka nalang, Pag di ka na masaya