APAT

10 0 0
                                    

Isa.Dalawa.Tatlo
Tatlong hakbang mula sa pinto nung tinawag mo ang pangalan ko.
Akala ko kung bakit, pero tinanong mo ako.

At habang naglalakad tayo palayo sa pinto, bumalik lahat ng mga alaala ko.
Oo nasaktan ako, pero di ko alam kung paano.
Paano ko nasaktan? Paano ko sasabihin? Paano?

Pero nag lakad parin tayo. Nag lakad palayo sa pintong pinanggalingan ko.
Nung malapit ka na sa pupuntahan mo, nag paalam ka ng patago.
Habang ako naman ay derederetso.

Isa.Dalawa.Tatlo.
Tatlong hakbang papalayo sayo, nung tinawag mo ulit ang pangalan ko.
This time di na ako lumingon, kasi alam kong masasaktan na naman ako.

At habang papalayo ako sayo, pilit mong sinigaw na mag ingat ako. Habang papalayo ako sayo, nilingon kita mula doon sa malayo.
At nasabi sa sariling, kaya ko na to.
Isa.Dalawa.Tatlo.
Hanggang dito nalang ako

P O E T R YTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon