Gusto kong alamin ang lahat ng salitang pwedeng maglarawan sayo o sa kung gaano kita kagusto.
Gusto kita"
Oo gusto kita hindi sa paraan na tulad ng iniisip ng iba.Sa kung paano at kung anu mang dahilan, magpahanggang ngayon ay di ko rin alam. Basta ang alam ko lang gusto kita.
Gusto kita hindi dahil sa gusto kong halikan ang mga labi mo, o sa gusto kong mahawakan ang kamay mo, dahil bukod sa mga bagay na yon na nasabi ko, gusto kita sa paraan na kung paano ko gusto.
Gusto kita, kahit na..
Kahit na may yumayakap at humahalik sayong iba..Kahit na nasa isang sulok ako at pinapanood ka.
Gusto kita, gusto kita kahit na masakit na, yung paminsan minsan alam kong may isang taong nagpapaluha sa yong mga mata.
Gusto kita,.. Gusto kita kahit na di mo ko napapansin, kahit madalas iniaasa ko itong ibulong sa hangin,
at sa pangarap na isang araw ako'y mabigyan ng pansin, at sana kahit minsan ako rin ay iyong gustuhin.Gusto kita.. Gusto kita kahit alam kong isa kang pangarap, isa kang ibong tinatanaw sa himpapawid at sa alapaap, na sana isang araw bumaba ka at ng ika'y aking maabot, dahil ang pangarap ko'y kung saan saan umaabot.
Gusto kita.. Gusto kita kahit masaktan pa, habang nakatanaw ako sayong punong puno ng pag aalala. Kung mapapawi ko lang sana lahat ng hinanakit mo ay gagawin ko, ngunit alam kong hindi sapat ang salitang "AKO"At ang katotohanang saki'y umaabot, sa salitang "gusto kita" para sayo'y hinding hindi ako mapapagod.