Masarap maging single, walang gaanong problema
Namumuhay ka ng malaya at masaya
Nagagawa yung mga gusto mo ng walang nangingielam
Wala kang selos at sakit sa puso na nararamdaman.Hanggang isang araw, kaming magkakaibigan ay nagkayayaan
Gumala kami at nagkasayahan
Napansin ko na lahat sila may kahawak na kamay, may kaakbayan
Doon nabuo ang isang tanong saking isipan, "Hanggang kailan ko kaya ito mararamdaman?"Gusto ko rin naman na ang aking mga kamay ay mahigpit na hawakan
Yakapin ako na tila'y ayaw pakawalan
Bigyan ng importansya, tunay na pahalagahan
Mahalin ako ng walang hanggan at lubusan
Yung may taong bawat pangako na bibitawan ay tutuparin
Na kahit anong problema ang dumating
Sa akin ay kanyang sasabihin
"Mahal, lahat ng ito, kakayanin natin."
Yung maranasan na may taong takot akong mawala
Yung hindi hahayaang maagaw ako ng iba
Ipaparamdam na ako ang ay kailangan niya
Yung tipong "Mahal, ikaw lang ang gusto ko wala ng iba."
Yung magsisilbing init kapag ako'y giniginaw na
Yung iaangat ako kapag ako'y bumababa na
Yung kapag hindi ko na talaga kaya sasabihin niya
"Walang susuko, nandito lang ako, mahal kita."Balang araw, gusto kong maranasan lahat ng ito
Kasama ang taong mahal ko
Ang taong, para sa akin ay inilaan
Ang taong mamahalin ko ng walang hanggan.
Kapag dumating ang araw na kilala na kita,
Hindi kita pakakawalan, mamahalin ka
Ituturing kitang hari at ako naman iyong reyna
Pagsisilbihan kita hanggang sa aking makakaya
Sabay tayong mangangarap
Sabay tayong tatanda
Ikaw at ako, tayong dalawa
Haharapin natin ang bawat bukas na tayo ang magkasama.Mahal, hihintayin ko ang pagdating mo
ikaw ang dahilan kung bakit nabuo ito
Itong tula na isinulat ko talaga para sa iyo
Para sa iyo, na nakatadhanang makatuluyan ko.