GITNA

8 1 0
                                    

Nasa gitna ako ngayon ng mahal kita pero tama na.
Nasa gitna ako ngayon ng akala ko hanggang dulo ay tayo na pero may tuldok na pala.
Nasa gitna ako ngayon ng wag mo kong iwan tanggap naman kita pero kailangan ka nila.
Nasa gitna ako ngayon ng nag uumpisa na sana pero nagtatapos na pala.
Nasa gitna ako ngayon ng sapat na ba pero hindi pa pala.

Gitna , isang salitang malapit sa umpisa na palaging gustong marating ng karamihan.
Gitna , isang salita na malapit na sa realidad ng masayang pag tatapos sa lahat ng pag hihirap.

Pero teka? Masayang pag tatapos? Lahat ba ng nagtatapos ay masaya? Isang tanong na naiwan sa aking sarili.
Hanggang sa marating ko ang gitna. Masaya , na malayo-layo ka na sa umpisa kung saan ang dating sanggol pa ngayon ay nakakalakad na !

Masaya ang makarating sa gitna ,nag uumapaw sa galak ang aking puso na tila ba ako'y nasa gitna ng alapaap at nakalutang lamang sa pag mamahal mo.
Akala ko lang pala masaya ang Gitna! Hindi pala ! Nakakatakot pala ang makarating sa gitna , dahil ang kasunod nito ay ang pagtatapos sa isang paalam.

Ayoko ng mapunta sa gitna ayoko ng umasa pa ayoko ng masaktan pa .
Ngayon nasa pagtatapos nako. Pinapangako kay kupido ako muli'y mag uumpisa sa pag mamahal at kaylan man hindi matatakot na mapunta sa gitna .
At kung ang malapit sa gitna ay pagtatapos na! Masaya kong tutuldukan ang lahat.

Habang ako'y malakas ngayon na nasa gitna .malakas at hindi natatakot sa huli . gigitna ako gaya ng indikasyon ng pag-ibig na kaylaman ay gitna lang at di natakot sa umpisa at huli.

P O E T R YTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon