Isinulat ko ito hindi para ibalik kung anong meron tayo dati
Dahil alam kong wala ka ng pake
Isinulat ko ito para malaman mo kung gaano kasakitSa bigla mong paglisan na dulot ay pait
Bakit nga ba nawala na parang bula
Pagmamahal na panandalian lang pala
Nagparamdam pero walang balak manatili
Sa biglaang mong pagdating puso ay sumiglaMukhang nakabusangot ay muling tumawa
Muling sumigla ang katawang malumbay
Ang dating madilim ay nagkaroon na ng kulay
Sabi mo noon natatakot ka na baka ako ang bumitawPero sana natandaan mo yung sagot ko na hindi ako bibitaw hangga't walang rason para bumitaw
Pero bakit ka bumitaw? Bakit ka umayaw?Walang rason pero nagkarason ka para iwanan ako
Walang problema pero nagkaproblema ng iwanan mo ako
Noong iwan mo ako wala kang narinig mula sa labi ko
Ni hindi mo narinig ang hikbi ng pigil ng pag- iyak ko
Hindi mo rin nakita ang sabay sabay na pag- agos ng luha koDahil gusto ko ipakita na malakas ako
Nawala na ang masayang ikaw at ako
Napalitan na ng nagpipighating ako
pero masayang ikawAko ay nagdurusa pero ikaw ay masaya
Ako ay minamahal ka pero ikaw ay nagmamahal na sa iba
Ako ay pinipilit magsimula pero ikaw ay nagsimula na
Ako na patuloy na nasasaktan dahil sa sakit na iyong binigayAlam ko walang tayo pero gusto ko malaman mo
na nasasaktan ako
Sa pagpaparamdam mo sa akin na mahalaga akoGusto kong malaman mong nasasaktan ako
Kahit sa isang tula maramdaman mo yung sakit ng biglaan mong pag- iwan ng walang sapat na dahilan
Salamat sa pagmamahal na panandalian
Salamat sa pananakit na pangmatagalan
Kahit walang sapat na dahilan ay ako'y iyong iniwanHindi ako nagkulang pero pinaramdam mo
na maraming pagkukulang
Sana ay masaya ka sa piling ng bago mo
Sana ay iparamdam mo sakanya ang pagmamahal na pangmatagalan
Hihilingin ko ang kasiyahan mo kahit hindi na ako parte nitoMuli, isinulat ko ito para ilabas ang saloobin
na meron ako sa ikaw at ako
Hindi para ibalik ang bagay na natapos na at
Pagkakamaling masaya man pero hindi na mauulit pa.