HUWAG KA MATAKOT

50 1 0
                                    

Sa bawat saya na iyong nararanasan
Sa bawat ngiti na lumalabas sa iyong labi
Sa bawat kilig na iyong nararamdaman
Huwag kang matakot masaktan.

Siguro masaya. Sobrang saya.
Ngunit isantabi mo muna ang salitang 'may hangganan'
Dahil habang iniisip mo ito baka lalong mapabilis ang pagdatal ng katapusan.

Oo, may hangganan ang lahat ngunit ang mahalaga naging masaya ka. Sa piling ng bawat isa. Sa piling ko. Sa piling mo. Sa pagitan ng ikaw at ako.

Huwag kang matakot. Huwag kang matakot magmahal habang ikaw ay nasa akin pa. Huwag kang matakot magmahal habang nagmamahalan pa tayong dalawa. Huwag kang matakot sa kung ano ang maaring dumating bukas o sa mga susunod na araw. Huwag. Huwag kang matakot sa mga maaring mangyari sa ating dalawa.

Huwag kang matakot kahit walang tayo dahil ang importante ay ikaw at ako nagmamahalan tayo.

At pag dumating ang panahong kinakatakutan mo,
huwag kang matakot.
Huwag kang matakot na magmahal muli. Huwag kang matakot na bumangon uli. Huwag kang matakot mahulog muli.

Dahil pag ikaw ay nabuhay sa mga takot na ito, baka habang buhay kanalang tumakbo sa mga bagay na magpapalasap sa iyo ng pag-ibig, baka habang buhay ka nalang tumakbo sa mga magpaplasap sayo ng sarap at saya.

Huwag kang matakot dahil pagdumating ang panahong kinatatakutan mo magiging masaya ka uli. Kung kailan? Di natin alam. Kung saan di natin alam. Dung paano hindi ntin alam at lalong kung kanino hindi natin alam. Ang mahalaga huwag kang matakot magmahal uli.

P O E T R YTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon