Salamat,
Isang salita na nais ng lahat marinig mula sa taong kanilang pinag-alayan ng panahon, talino, at yaman. Sa taong kanilang minahal o minamahal.Salamat sa panahon na nagkabungguan tayo.
Salamat sa mga panahon na nagka-kausap tayo.Salamat sa mga oras na kung saan napakabilis pag tayo'y magkasama.
Salamat sa mga pagkakataon na nagtatama ang ating mga mata at tayo'y nahuhulog sa bawat isa.Salamat sa mga ngiti na isinusukli mo sa bawat ngiti ko na dahil sayo.
Salamat sa lahat ng bagay na itinuro ko.
Salamat sa mga bagay na ibinigay ko sayo.Salamat sa lahat ng pagmamahal na binigay ko at ipinalasap mo.
Salamat sa lahat ng pag-ibig na hindi nasuklian dahil sa pag-ibig mo sa iba.Salamat sa lahat-lahat. Kahit hindi ko narinig ang salamat mula sa mga labi mo. Ako na lang ang magpapasalamat sa sarili ko dahil natuto na ako. Salamat. Malaya ka na.