HINDI NA AKO

7 1 0
                                    

Magsimula tayo sa simula
Sa simula kung saan tayo nagkakilala
Nagkakilala tapos minahal kita
Nagmahalan tayong dalawa

Hanggang sa umabot sa punto na puro nalang away
At napagpasiyahan nalang nating maghiwalay
Kasi sa ating palagay
Itong ating relasyon at hindi na muling mabubuhay

At saatin ring palagay itong ating relasyon ay wala ng saysay
Kaya mas pinili nating humiwalay
Pilit akong kumakapit

Pero di ko alam kung bakit
At sa di malamang dahilan ako'y iyong binitawan
Kasi ikaw pala ay meron ng kinakapitan

Kumapit ka, dun pa sa aking kaibigan
At siya ay iyong hinawakan
Mahal, ikaw ba ay nakalimot na ng tuluyan at pati aming pinagsamahan iyong kinalimutan
Para lamang sa iyong kaligayahan

Pero tapos na akong umiyak sa pare-parehong dahilan
At hindi rin ikaw yung tipo ng lalake na dapat iyakan
Ba't pa kita iiyakan eh parang kailan lang nung tayo'y naghiwalay tapos malalaman ko makalipas ang isang araw nakahanap kana ulit ng bago

Tanong ko sainyo dapat bang iyakan ang mga lalakeng ganito
Tapos ano malalaman ko na wala ng kayo
At babalik ka sakin na parang walang nangyari

At tatanongin mo ako kung pwede pa ba tayong maibalik sa dati
Mahal naman hindi ako tanga at hindi na ako magpapakatanga dahil sayo
Kaya kung magmamahal ka ulit siguro hindi na ako

Hindi na yung tulad ko
Kasi hindi na ako yung taong kayang mag-alaga sayo
At hindi na rin ako yung taong kayang magmahal sayo
Kaya kung magmamahal ka ulit patawad Mahal pero Hindi na ako


P.S
I'm dedicating this poem to someone!!

P O E T R YTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon