ANG DATING NAGMAMAHAL

12 1 2
                                    

Sa gitna ng buwan, sa ilalim ng mga bitwin
Nagbitaw tayo ng mga pangako natin na di kayang bawiin
Mga pangako na "Ikaw lang", "Sa'yo lang ako"
Pero wala na, mga pangako na napako na

Nagsimula tayo sa "Hi", Nagtapos tayo sa salitang "Ba-bye"
Nasanay tayo sa  mga sasalitang "I love you", Ngayon ay "Who you?"
Nasimula tayo sa "Mahal kita", Ngayon ay "Ayoko na"
Dati ay romantiko ang mga binibigay, ngayon ay naging mapait na ang lahat ng bagay

Mga pangakong hanggang pangako nalang
Mga yakap na parang suntok sa buwan
Na parang buwan na napaka layo mo sakin
Na sa akin, na nasakin na pinalaya ko pa

"Maraming Salamat sa lahat" mga huling katagang ipinarinig mo saakin
Mga salitang binitawan mo, napaulit – ulit umiikot sa utak ko
Na parang pako na bumabaon sa puso ko

Pero Salamat
Salamat sa lahat ng tiniis mo para pasayahin ko
Salamat na nandyan ka kapag nahihirapan ako
Salamat na kahit ganito ang lahat di ka parin nag paawat
Nag paawat na intindihin, unawain, patawarin ang isang tulad ko

Isang malayang taludturan:

P O E T R YTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon