Paano mo nga ba sisimulan ang bawat araw, bawat oras at pag tanggap ng bagong hamon kung ang taong kasama mo na sumusuporta sayo ay ngayo'y sinosoportahan na ang ibang tao kesa sayo?
Ang taong kasama mong tumawa, umiyak pag may problema at bigla nalamang mag lalaho na parang isang bula na di mag iiwan ng bakas ng pag-ibig ninyong nalagas sa nakalipas.
Kung pwede lang na sa bawat umaga'y ikaw ang unang nakikita at sa oras oras ikaw ang makakasama.
Kung pwede lang na ang bawat ngiti ay maiwan at ang nararamdaman ay umusbong ng pangmatagalan.
At kung pwede lang maibalik ang mga sandali, ang mga nakaraan na tayong dalawa ay nag iibigan bago pa ito mag wakas ng tuluyan.