LIHIM

19 0 0
                                    

Simulan natin sa salitang "PATAWAD"
Patawad Mahal, kasi ika'y nasaktan
Patawad Mahal, kasi dahil saakin ika'y nasugatan.

At Patawad Mahal, kasi ako yung dahilan
Dahilan kung ba't nadurog ang iyong puso at isipan
Pasensya na nakipaglaban ako ng walang dalang bala
Pasensya na kasi di ko na kayang ika'y ipaglaban pa.

Sana ako'y iyong maintindihan
Kasi siguro mas mabuti kung tayo lamang ay magkaibigan
Pero huwag na huwag mong kakalimutan
Na ika'y aking minahal ng lubusan
Sa maikling panahon na tayo'y nagmahalan.

Natuto akong lumaban sa ano mang paraan
Salamat kasi ako'y iyong pinahalagahan at iningatan
Salamat sa pagmamahal mo na aking naranasan.

Ngunit alam kong may ibang babae pa na pwede mong mahalin
Yung kayang makipaglaban sa liwanag man o sa dilim
Yung kaya kang ipaglaban ng hindi gumagamit ng patalim
At yung babaeng kaya kang mahalin ng hindi palihim.

P O E T R YTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon