KWADERNO

12 3 0
                                    



Pinipilit ko kalimutan
Ang ating relasyon na nagdaan
Ang bawat segundo
Ng tinitibok ng puso ko
Para sayo, Mahal ko

Mahal? Naalala mo pa ba?
Yung panahong tayong dalawa yung magkasama?
Yung tayo lang dalawa sa mundo
Sa mundong maroong ikaw at ako

Pinangako ko sa tala
Nagagawa ako ng mga talata
Na isusulat ko sa isang maliit na kwaderno
Gamit ang mga tulo ng dugo
Mula sa puso ko

Isusulat ko ang bawat salita
Na may kahalong pagpatak ng luha
Mga luhang mula sa mata ng pagdurusa
Mula sa pusong hindi kayang kalimutan ka

Alam ko masaya ka na
Na makaranas ng panandaliang saya
Na ngayon ay naghahanap ka na
Ng pamalit para sa akin, Sinta

Ngayong wala ka na
Wala na ring istoryang masaya
Wala ng itutuloy, Sinta
Ngayon ay Paalam na

P O E T R YTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon