Mga katagang narinig ko
Sa pinapakinggan ko
Isinulat ko ito
Dahil dito ko lamang mailalabas ang galit koAng pag sulat ng isang tula ay katulad nito
Na parang pag iyak ko
Dahil dito ko lamang nailalabas
Ang mga nararamdaman koGusto kong sabihin na
Tigilan na, tama na, ayoko na
Sawang sawa na ko
Sa mga naririnig koHindi naman ako isang actor sa isang pelikula
Isang karakter sa isang nobela
O isang kontrabida sa isang telenobela
Para pagusapan nilaNakakasawa na
Maging isang laman ng istorya
Laman ng mga balita na pinapakalat sa iba
Laman ng isang istoryang di ko naman nilikha