Part 1

23.5K 423 23
                                    


Inihilera ni Vee ang tatlong pulang dahon sa coffee table sa loob ng kanyang silid. Pagkatapos, sinindihan niya ang kandilang pula at itinirik sa gitna ng mga nakalatag na dahon. Saglit siyang tumayo para i-off ang switch ng ilaw. Dumilim ang paligid at tanging ang may sinding kandila ang nagbibigay-liwanag sa loob ng silid. Nang bumalik siya sa harap ng mesa, pinatakan niya ng chrysanthemum oil ang bawat dahon.

She closed her eyes and tried to concentrate. She had to practice the spell or she would not be able to sleep again. She used the spell quite often to protect her mind against nightmares and negative thoughts.

Palagi siyang dinadalaw ng mga negative thoughts. Perhaps because her life was full of negativity. Her life was like the very dark sky at the waning of the moon. Simula pagkabata ay madilim na ang kanyang buhay. That was why she was fascinated with the shade of the color black. Dark, melancholic, isolated... just like her life.

She was only eleven years old when her mother died. Nang iwan siya ng kanyang nanay, kinuha siya ng kanyang ama na may sariling pamilya na. She was an illegitimate child of a rich man named Nicolas Perez. Dating nobyo ito ng kanyang ina pero hindi nito pinanagutan ang kanyang nanay nang mabuntis dahil nagpakasal ito sa iba. Ang kanyang ina na isang painter ang mag-isang bumuhay sa kanya.

Dahil musmos pa si Vee at wala nang kukupkop sa kanya, wala siyang choice kundi sumama sa kanyang ama kahit labag sa kanyang kalooban. Her mother did not talk a lot about Nicolas Perez. Kaya alam niya na masama ang loob dito ng kanyang nanay. Maging siya ay masama rin ang loob sa kanyang ama dahil sa pag-aabandona sa kanilang mag-nanay. Gayunman, pinili niyang maging passive habang nakatira sa bahay ng kanyang ama.

Para siya isang sampid sa bahay ng kanyang ama kasama ang totoong pamilya nito. Hindi naman masama ang ugali ng kanyang madrasta dahil pumayag itong tumira siya sa bahay ng mga ito. Ang dalawang half sisters niya ang masasama ang ugali. Kahit anong iwas niya, patuloy sa paglapit sa kanya ang dalawa para lang awayin siya. Kaya nag-iba ang turing sa kanya ng kanyang madrasta. Hindi na ito kasimbait ng dati dahil na-brainwash ng mga anak.

Dahil walang ibang matatakbuhan at kukupkop sa kanya, nagtiyaga siya sa bahay na iyon. Lalo niyang idinistansiya ang sarili sa mga ito. Hindi siya sumasabay sa mga ito kapag oras na ng pagkain. Wala rin siyang kinakausap sinuman sa mga ito. Kapag may outing ang pamilya, nagpapaiwan na lang siya sa bahay. Kapag may nagaganap na kasiyahan sa bahay, pinipili na lang niyang magkulong sa kanyang silid.

Kaya naman nasanay nang mag-isa si Vee. Kahit noong nabubuhay pa ang nanay niya, para na rin siyang nag-iisa sa buhay. Madalas na nagkukulong lang ito sa kuwarto, o kung hindi man, madalas na umaalis kapag kinomisyon ito. Kapag nagpipinta ang kanyang nanay ay pinalalabas siya nito sa kuwarto. Iniiwan din siya nito sa matandang babaeng kapitbahay nila tuwing pupunta ito sa malalayong lugar para magpinta.

Hindi rin sinubukan ni Vee na makipagkaibigan sa kahit sino. Sa tingin niya kasi, wala siyang kakayahang makihalubilo sa mga tao dahil walang nagturo sa kanya niyon. Antisocial ang tingin sa kanya ng kanyang schoolmates.

Mayroong nagtatangkang makipagkaibigan sa kanya pero umiiwas siya. Lalo na sa mga lalaking alam niyang may ibang pakay bukod sa pakikipagkaibigan. Wala siyang panahong makipaglokohan. Hindi niya gustong mangyari sa kanya ang sinapit ng kanyang nanay. Hindi rin niya gustong matulad sa kanya ang kanyang magiging anak kung sakali. Kaya naman sa edad niyang disinuwebe, ni minsan ay hindi pa siya nagkanobyo.

Dalawang buwan na ang nakararaan mula nang lumipat siya ng tirahan. Pansamantala siyang ipinakupkop ng kanyang ama sa kapatid nitong si Trina Perez-Genares. Inilipat din siya nito ng eskuwelahan—sa St. Catherine University, kung saan niya itinuloy ang Journalism.

Nagkaroon kasi sila ng isang matinding pag-aaway ni Wendy, ang isa sa kanyang half sisters. Nagalit sa kanya si Wendy dahil pinopormahan siya ng boyfriend nito. Sinugod at sinaktan siya ni Wendy. Siyempre lumaban siya. Dehado ito sa kanya dahil bukod sa maliit na babae ito, napakapayat pa. Nagalit sa kanya ang kanyang madrasta at pinalayas siya. Kaya nakiusap ang kanyang ama kay Tita Trina na pansamantala siyang kupkupin sa bahay nito para magabayan siya hanggang sa makapagtapos siya ng pag-aaral.

Puwede naman siyang patirahin ng kanyang ama sa isang boardinghouse o kaya ay iupa siya ng isang apartment pero hindi nito ginawa. Gusto raw kasi nito na may personal na titingin at gagabay sa kanya habang nag-aaral pa siya.

Pumayag si Tita Trina na doon muna siya sa bahay nito tumuloy. Kompara sa pamilya ng kanyang ama, mas maayos ang pagtanggap sa kanya ng pamilya Genares. Tita Trina was a widow and had only one son, ang pinsan niyang si Jerry. Kaya hindi siya nahirapang mag-adjust. Gayunman, hindi na naalis ang kanyang pagiging introvert. Kontento na siyang nagkukulong sa silid habang nagbabasa ng mga paboritong libro.

Partikular sa mga librong binabasa ni Vee ay fiction books tungkol sa witchcraft. She was fascinated with the world of witchcraft, like how her late mother used to be then. Pag-aari ng kanyang nanay ang mga lumang librong binabasa niya tungkol sa witchcraft. Mayroon pa nga itong isang instructional notebook na parang isang "Book of Shadows" na naglalaman ng mga kaalaman tungkol sa spellcraft.

Her mother was a Wiccan. Wicca was a nature-based religion. Ayon sa kanyang nanay, na-adapt nito ang relihiyon na iyon sa England nang magkaroon ito ng painting job doon bago siya isinilang. But she was sure her mother was not a traditional real witch. At kung witch man ito, hindi ito ang tipikal at popular na witch na nakasuot ng itim na damit na may katernong black witch hat at broomstick. Wala rin itong magical powers na tulad ng Halliwell sisters sa TV series na Charmed. Kung totoo mang nagpa-practice ang kanyang nanay ng witchcraft noong nabubuhay pa ito, maaari siguro itong matawag na "white witch".

Ang libro at notebook na pag-aari ng kanyang nanay ay naglalaman ng mga good at constructive spells. Walang destructive at harmful spells na nakasulat doon. Kaya nakasisiguro siyang hindi isang bonafide witch ang kanyang nanay. Tulad niya. Hindi siya isang totoong witch. Sometimes, she practiced spellcraft but she was not a witch in the popular sense of the word.

She practiced constructive spells whenever she needed them. Para lang iyon sa kanyang sarili. She believed it helped her a lot, lalo na sa pagtataboy ng mga negative thoughts and energies palayo sa kanyang isip at katawan. Kahit galit o masama ang kanyang loob, kailanman ay hindi niya sinubukang gamitin ang anumang spells sa maling paraan. She might be aloof and antisocial, but she was not a bad person.

"Red leaves, gift from earth. Birth to death and death to birth. Keep all evil far away. Day to night and night to day..." bigkas ni Vee sa chant. Inulit niya iyon nang tatlong beses. Pagkatapos, tumayo na siya at muling binuhay ang ilaw sa silid. Pinatay niya ang sindi ng kandila at ibinalot ang mga dahon sa isang puting tela na kanyang itinupi.

Bumalik si Vee sa kanyang kama at inilagay sa ilalim ng unan ang puting tela na may mga pulang dahon. It would soak up all the negative thoughts from her head. She felt kind of refreshed as she laid her head on her pillow.

She sighed and closed her eyes. A few minutes later, the leaves drew her to peaceful sleep.


VEE, The Pretty Witch [COMPLETED] (St. Catherine University Series Book #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon