Part 22

10K 274 1
                                    


NAPANSIN ni Vee na naging masipag si Frei. Dati inuutusan pa niya ang binata at ipinapaalala ang mga dapat nitong gawin. Ngayon, kumikilos na ito nang kusa at nagugulat na lang siya na tapos na nitong gawin ang dapat ay iuutos pa lang niya. Hindi na ito nagsasalita ng mga bagay na ikinaiirita niya. Hindi na rin ito nagpapakita ng pagkainis sa trabaho.

Narinig pa niya na kumakanta-kanta si Frei habang nag-aalis ng mga alikabok sa mga furniture gamit ang duster. Nang bumaba siya dala ang tray ng pinagkainan niya, dali-dali pa nitong kinuha iyon sa kanyang mga kamay para tulungan siya. Hindi naman nito dating ginagawa iyon. Simula nang gabing pagalitan niya ang binata nang pumasok ito sa kanyang kuwarto nang walang pahintulot ay nagbago na ito. Naisip siguro ni Frei na pagbutihin na lang ang trabaho para hindi na siya magalit at hindi na uli ma-extend ang pananatili nito sa kanyang bahay.

Nagalit talaga si Vee sa ginawang pakikialam ni Frei sa gamit ng kanyang ina. Kaya dapat lang na pagdusahan ng binata ang hindi pagsunod sa pinag-usapan nila. Sagrado para sa kanya ang mga gamit ng kanyang nanay at ayaw na ayaw niyang pakikialaman ng iba ang mga iyon. Kinailangan pa niyang mam-bluff para lang umamin si Frei. Kahit naman hindi ito umamin, alam niyang ang binata lang ang maaaring kumuha ng notebook dahil sila lang namang dalawa ang nasa bahay.

Hindi nakaramdam ng guilt si Vee nang utusan niya ito na manatili pa nang isang linggo para pagsilbihan siya dala ng kanyang galit. Pero nang mga sandaling iyon, parang nakaramdam na siya ng guilt. Dapat tapos na ang trabaho ni Frei sa araw na iyon pero naroon pa rin ito. Hindi rin ito nagrereklamo. In fact, nginingitian pa siya ng binata tuwing nagkakaharap sila. Hindi naman siya ganoon kasama para tarayan pa rin si Frei gayong maayos naman ang trabaho nito at hindi na pasaway.

Naabutan niyang nagluluto si Frei nang pumunta siya sa kusina. Ngumiti ito nang makita siya.

"May iuutos ka?" tanong kaagad ng binata.

"Wala naman." Lumapit si Vee sa cupboard at kumuha ng baso. Kumuha siya ng tubig mula sa refrigerator.

"I'm cooking my favorite. Sana magustuhan mo," anito habang umiinom siya ng tubig.

Naalala niyang tinanong siya ni Frei nang nagdaang araw kung kumakain siya ng kare-kare. Umoo siya. "Kare-kare ba 'yan?"

"Yeah. Favorite din ito ng fiancée ko..." Biglang lumungkot ang mukha nito. "Ex-fiancée..."

Mukhang mahal talaga ni Frei ang babaeng tinutukoy nito. Na-curious tuloy siya kung bakit hiniwalayan ito ng fiancée nito.

"Kapag ipinagluluto ko siya ng kare-kare noon, tuwang-tuwa siya. Sinisisi niya ako kasi lumalaki ang tiyan niya dahil sa dami ng nakakain niya."

"It sounds like you miss her so much."

"We have a lot of good memories together. One year din kami naging mag-on. We're about to get married when she suddenly left me with no reason at all. Last thing I heard, nasa States na siya."

"Hindi ka nagalit sa kanya kahit iniwan ka niya nang walang apparent reason?"

"Nagalit. Pero mas nangibabaw ang pagmamahal ko sa kanya. I couldn't afford to get mad at her for too long. Kaya nga ako napadpad dito sa paghahanap sa iyo, eh. Kapag natanggal na ang sumpa mo sa akin, siguro babalik na si Leslie sa akin."

"Ganoon mo siya kamahal? You still want her back after she dumped you?"

Tumango si Frei habang hinahalo ang niluluto. "Love overrides anger. Kapag mahal mo ang isang tao, kahit anong kasalanan ang magawa niya sa iyo, patatawarin mo pa rin siya. It may sound foolish but it's true."

Tinitigan niya si Frei. Hindi ito ang tipo ng lalaking mariringgan niya ng mga ganoong salita.


VEE, The Pretty Witch [COMPLETED] (St. Catherine University Series Book #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon