NAKITA ni Vee si Frei na nagbabasa ng libro sa porch samantalang pinaglilinis niya ng bakuran ang binata. Araw-araw kasing marumi ang bakuran dahil sa mga nalalaglag na dahon mula sa mga puno at maalikabok sa porch area dahil sa hangin. He was reading her book. Hindi man lang tuminag nang makita siya.
"Breaktime. I am entitled to it, right?" sabi nito na saglit lang siyang tiningnan dahil ibinalik kaagad sa binabasa ang paningin. "Simula nang dumating ako rito, wala na akong ginawa kundi magtrabaho. hindi ko tuloy matapos-tapos basahin ito."
He looked engrossed. Mukhang gustong-gusto nito ang binabasa. She secretly felt flattered. Kung alam lang nito na siya ang nagsulat ng librong iyon. Naisip niyang alamin kung ano ang review nito sa kanyang akda. "So, nagbabasa ka pala ng mga ganyang klaseng books."
Ngumiti ito. "Actually, hindi talaga ako nagbabasa ng ganitong klaseng mga libro. My niece Shane, she loves this series. In fact, sa kanya ito. Na-curious akong basahin minsan no'ng wala akong magawa. Surprisingly, nagandahan ako sa story. I am actually hooked. Magaling ang writer."
Lihim siyang natuwa sa sinabi ni Frei. Marami na siyang natanggap na papuri pero iba ang feeling na nanggaling iyon sa isang tulad ni Frei na hindi niya inakalang magbabasa ng ganoong klaseng libro. "Binitbit mo 'yan sa pagluwas mo rito?"
"Yeah. Kasi bago ako pumunta rito, naumpisahan ko nang basahin ito. Ayokong mabitin kaya dinala ko na lang. My niece is really a fan of Hera Lou, the author. She wants to meet the author personally. 'Kaso hindi raw nagpapakilala sa public 'yong writer. Ang sabi ko sa kanya, hahanapin ko si Hera Lou para sa kanya and I'll have her books signed by that author."
Pinigilan ni Vee ang mapangiti. Kung alam lang ni Frei na nasa harap na nito ang hinahanap nito.
"Kaso, mukhang mahirap siyang hagilapin. Maski 'yong publisher ng book, ayaw sabihin kung nasaan siya at kung ano'ng hitsura at real name niya. Weird. Kung ako ang may ganyang talent, ipapangalandakan ko ang pagmumukha ko sa public. But this Hera Lou is something else. I don't understand why she chose to hide her identity."
"Maybe she has reasons," aniya.
"Alam mo, kung makikilala ko lang itong si Hera Lou, may ia-advise ako sa kanya. Maganda ang mga isinulat niya. Pero may kulang, eh."
Umangat ang isang kilay ni Vee. "Tulad ng?"
"Bitin sa romantic essence ang team up nina Kisha and Tod. Ni wala silang kissing scene kahit isa. Hanggang holding hands lang at titigan. Hindi dapat gano'n. Lagyan sana niya ng kahit kaunting kissing scenes. Hindi naman kailangang torrid ang kissing scene para magmukhang romantic ang eksena. Just a simple touching of their lips will do. It will fire up the zest of the readers. Naisip ko tuloy, siguro itong Hera Lou na ito, hindi pa nararanasang mahalikan. Para kasing hindi niya kayang mag-narrate ng kissing scene. Siguro wala siyang love life."
Pinigilan ni Vee ang magpakita ng pagkaasar. "Talaga?"
"Oo. She must be ugly and frigid."
She secretly gritted her teeth. "Paano mo naman nasabi 'yan?"
"Kasi parang wala siyang ka-romance-romance sa katawan. Ni hindi siya makapagpakita sa public. She must really be ugly and frigid. 'Yon lang ang rason na naiisip ko kung bakit nagtatago siya sa public. I'm sure 'yon din ang iniisip ng ibang readers niya."
"Paano kung ayaw lang niyang magpakilala dahil ayaw niyang maging public figure? She probably wants a simple and quiet life. Hindi mo ba naisip iyon?"
"Parang ikaw? Gusto mo ng tahimik na buhay at ayaw mong makisalamuha sa mga tao. Then Hera Lou must be a witch, too. Tama! Baka witch din siya tulad mo. Kaya siguro parang napaka-omniscient niya tungkol sa supernatural world." Tinitigan siya ni Frei. "Wala ba talagang love life ang mga real-life witches? Hindi ba sila nai-in love?"
"I'm rather busy to answer your senseless questions." Umakto siyang aalis na pero napahinto siya nang magsalita uli si Frei.
"Masarap ang ma-in love, Vee. Masarap 'yong feeling na may nagmamahal sa 'yo at may minamahal ka."
She was afraid to fall in love. Ayaw kasi niyang maranasan ang dinanas ng mama niya sa pag-ibig. Her mother fell in love and got badly hurt twice. Kaya wala siyang balak magmahal. She was happy being alone. She didn't need a man in her life.
"I want you to experience love, Vee. Baka sakaling kapag na-in love ka, maintindihan mo ang nangyayari sa akin. Maiintindihan mo rin kung bakit nagpapakahirap akong maging alila mo para lang bawiin mo ang sumpa mo sa akin. I want to be happy. I want my fiancée back," seryosong patuloy nito.
Hindi siya kumibo. Pumasok na siya sa loob ng bahay. Naapektuhan siya sa sinabi ni Frei. Hindi niya inaasahan na makakaramdam siya ng awa para sa binata. Siguro dahil nakita niya kung gaano nito kamahal ang fiancée nito na nang-iwan dito. Noong una, ang akala niya ay dahil lang sa ego ni Frei kaya parang desperado itong makalaya sa sumpa na pinaniniwalaan nitong siya ang may gawa. May puso pala ito. Marunong pala talagang magmahal ito.
Nagdesisyon si Vee. Mamaya sasabihin na niya kayFrei na hindi siya totoong witch at hindi niya kinulam o isinumpa ito.Kailangang matanggap ng binata na kapalaran nito na iwan ng tatlong babaengminahal nito. Pagkatapos palalayain na niya ito at tatapusin na niya angpaghihiganti sa kasalanan nito sa kanya noon.
BINABASA MO ANG
VEE, The Pretty Witch [COMPLETED] (St. Catherine University Series Book #2)
Storie d'amoreVee was fascinated about witchcraft kaya inakala ng iba na isa siyang mangkukulam. Nobody had the nerve to mess up with her. Except her naughty, playful schoolmate Frei. *This novel and the rest of the SCU series are already available in print...