Part 8

11.3K 327 2
                                    


NABIGLA si Vee nang yakapin siya ng may-edad na babae. Bisita raw niya ito ayon sa kanyang Tita Trina. The woman looked a bit like her mother.

"Ang laki-laki mo na at napakaganda. Kumusta ka na?"

"Sino kayo?" tanong ni Vee nang sa wakas ay bitiwan siya ng may-edad na babae.

"I'm Raquel and I'm your aunt. Kapatid ako ng mama mo."

"May kapatid ang mama ko? Ang alam ko, ulilang-lubos na siya." Nang magkaisip si Vee, tinanong niya ang kanyang nanay kung bakit wala siyang lolo at lola at mga tiyo at tiya. Ang sabi ng kanyang mama, ulilang-lubos na ito at nag-iisang anak lang.

Nawala ang ngiti ng babae. Mayamaya ay naiyak ito. She knew Raquel had a story to tell. Gustong malaman ni Vee kung bakit wala ito o ang isa man lang sa pamilya nito nang mamatay ang kanyang nanay kung totoo ngang kapamilya niya ito at kung bakit ikinaila ng kanyang mama ang existence ng pamilya nito.

"Naglayas si Mirasol twenty-four years ago. Umalis siya sa Davao at hindi na namin siya nakita simula noon. Hindi namin siya nakita kahit noong ipinahanap namin siya. Last year ko lang nalaman na wala na rin siya." Pinunasan ni Raquel ng panyo ang luhang pumatak mula sa mga mata nito.

"Rin?"

"Pareho nang patay ang mga magulang namin. Bata pa lang kami nang mamatay ang mama namin. Ang papa naman, namatay two years ago. Ako na lang na nag-iisang kapatid ng mama mo na buhay pa. Lately lang nagkaroon ng magandang resulta ang ginawa kong pagpapahanap sa kanya. Pero huli na ang lahat. Wala na rin pala siya. Pero nalaman kong nagkaanak siya. Nakausap ko ang papa mo at nalaman ko ang sitwasyon mo."

"Bakit naglayas ang mama ko?" tanong ni Vee.

Hindi kaagad sumagot si Raquel. Nag-ipon muna ng hangin sa baga bago tumugon. "Twenty-four years ago, nagtanan si Mirasol kasama ang boyfriend niyang si Ruben. Ayaw kasi ni Papa kay Ruben dahil isa lang itong magsasaka. Mayaman kasi ang pamilya namin noon. Nagalit si Papa sa mama mo dahil sa pagsama kay Ruben. Ipinahanap niya sina Mirasol at Ruben. Nang mahanap sila, ipinabugbog ni Papa si Ruben. Napilitang sumama si Marisol kay Papa para itigil na ni Papa ang pagpapabugbog kay Ruben. Ikinulong ni Papa si Mirasol sa kuwarto para hindi na makalapit uli kay Ruben. Pagkalipas ng isang buwan, nabalitaan namin na nag-suicide si Ruben dahil sa sobrang depression. Nagluksa si Mirasol sa pagkawala ni Ruben. Nagalit siya kay Papa. Isinumpa niyang hindi na niya kikilalaning ama si Papa. Umalis siya at hindi na uli nagpakita sa amin."

Namangha si Vee sa narinig. Ang akala niya ay sa mga teleserye lang nangyayari iyon. That was tragic. Ngayon, alam na niya kung bakit tahimik at hindi masayahing tao ang kanyang mama. May kinikimkim pala itong matinding galit at kalungkutan sa puso nito. Ang buong akala niya, ang kanyang ama ang dahilan ng kalungkutan nito. May mas malalim pa palang pinag-ugatan ang galit sa puso nito.

Ngayon, may ideya na siya kung sino ang lalaking kasama ng kanyang nanay sa ilan sa mga pictures, maging sa mga painting nito. Si Ruben, ang lalaking unang minahal ng kanyang nanay bago ang kanyang ama.

"Bakit pati ikaw, hindi na kinilala ng mama ko?"

"Dahil may kasalanan din ako sa kanya. Hindi ko siya tinulungan nang makiusap siyang tulungan ko siyang makipag-communicate kay Ruben sa pamamagitan ko habang nakakulong siya sa bahay at bantay-sarado ni Papa. Natakot kasi ako kay Papa. Tinakot niya ako na ikukulong din kapag tinulungan ko si Mirasol." Hinawakan nito ang kamay niya. "Patawarin mo ako, Viola. Hindi ko ginustong saktan ang damdamin ng mama mo. Naduwag lang ako. Nang mamatay si Ruben at umalis ang mama mo, sinisi ko ang sarili ko sa nangyari. Kung tinulungan ko lang sana siya, hindi ganito ang nangyari sa buhay niya, sa buhay namin..." Muling pumatak ang mga luha nito.

Ginagap ni Vee ang kamay ni Raquel. "Nangyari na po iyon. Siguro naman, napatawad na po kayo ng mama ko ngayon."

"Hindi ko man lang siya nakita bago siya namatay. Sana noon pa namin siya nakita. Sana man lang nakasama ko uli siya kahit sandali..."

Kaya pala palipat-lipat sila ng tirahan. Nagtatago pala sila. Ngayon lang niya na-realize na napakarami niyang hindi alam tungkol sa sariling ina. Hindi naman niya masisi ito. Napakabata pa niya noon kaya siguro wala itong sinabi sa kanya tungkol sa totoong sitwasyon nito.

Tinitigan siya ni Raquel. "Sumama ka sa akin sa Davao, Viola. Kukupkupin kita. Kung hindi ka kayang alagaan ng papa mo, ako ang mag-aalaga sa iyo. Alam ko na ang sitwasyon mo at ayokong hayaan kang ganito. You deserve a comfortable life. Hindi iyong para kang alagang hayop na pinaaalagaan kung kani-kanino. Kahit dito man lang, makabawi ako sa mama mo."

VEE, The Pretty Witch [COMPLETED] (St. Catherine University Series Book #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon