Frei excitedly flipped the next page of the third book of "The World Of Mystic" series. Hindi niya akalaing mae-engross siyang basahin iyon. Hindi pa man umaangat ang eroplanong patungong Davao na kinalululanan niya ay binasa na niya iyon. Nasa halos kalahati na siya ng mahigit three hundred pages ng libro nang marinig niya na malapit nang mag-landing ang eroplano. Hindi siya mahilig magbasa ng fantasy books. Pero nang basahin niya ang unang libro dahil na-curious siya sa magagandang feedbacks sa Internet, nagandahan talaga siya sa kuwento. Binasa rin niya agad ang pangalawang libro.
Hindi lang pala iyon pambata. It was a set of books intended for all ages. Exciting ang bawat twist ng story. Kaya nga ibinaon niya ang pangatlong libro ng series sa pagpunta niya sa Davao. Ayaw kasi niyang mabitin sa pagbabasa. May basis ang paghanga ng kanyang pamangkin sa author niyon.
Napakamisteryosa ng author ng series na si Hera Lou. Nang sadyain ni Frei ang opisina ng publication na nag-publish ng mga libro, tumanggi ang publisher na magbigay ng anumang impormasyon tungkol sa author niyon. Gusto raw ng author na protektahan ang identity nito. Nang itanong niya kung bakit, ang sabi ng publisher ay napakapribadong tao raw kasi ni Hera Lou at ayaw maging public figure.
Hindi pa niya nasasabi kay Shane na hindi siya nagtagumpay na malaman mula sa publication ang tungkol sa kinaroroonan ni Hera Lou dahil may balak siya. Pag-uwi niya sa Maynila galing Davao, ipapahanap niya si Hera Lou sa private detective na kakilala ng kanyang ate. Maski siya ay na-curious na rin sa babae. Pero saka na niya iisipin ang tungkol sa author at sa pangako niya sa pamangkin. Nandoon siya sa Davao para kay Vee.
Mabilis na nahanap ng private detective ang kinaroroonan ni Vee. Pagkaraan ng isang linggo ay may balita na ang private detective. Vee was living alone in a small town in Malalag, Davao del Sur. Nasa kamay na niya ang address ng tinitirhan ng babae.
Kailangang makabalik si Frei sa Maynila na may magandang resulta ang kanyang lakad. Otherwise, masasayang ang panahong ipinag-leave niya sa trabaho niya sa Honduras Electronics Corporation. Higit sa lahat, masasayang din ang kanyang buhay kapag hindi binawi ni Vee ang sumpa nito sa kanya.
Mag-aalas-kuwatro na ng hapon nang marating ni Frei ang baryong kinaroroonan ni Vee. The place was too rural. The two-storey house looked old. Parang haunted house. Maraming nagkalat na mga dahon sa bakuran na parang ilang araw nang hindi winawalis. Mababa lang ang bakod niyon. Kaya nang mainip siya sa pagtawag at walang nagbubukas ng bakod, nag-over the bakod na lang siya. Baka kasi natutulog si Vee o kaya naman ay kasalukuyang bumibigkas ng incantation kaya hindi siya naririnig. Umakyat siya sa hagdang yari sa kahoy papunta sa porch at kumatok sa pinto.
BINABASA MO ANG
VEE, The Pretty Witch [COMPLETED] (St. Catherine University Series Book #2)
RomanceVee was fascinated about witchcraft kaya inakala ng iba na isa siyang mangkukulam. Nobody had the nerve to mess up with her. Except her naughty, playful schoolmate Frei. *This novel and the rest of the SCU series are already available in print...