TINANAW ni Frei ang wishing well sa isang parte ng SCU. May gusto siyang hilingin kaya nagpunta siya roon. Nagtalo pa ang kanyang kalooban kung itutuloy iyon o hindi. Hindi siya naniniwalang kayang tuparin ng wishing well ang kanyang kahilingan. Pero sa pagkakataong iyon, parang gusto niyang subukan. Dumukot siya ng barya sa kanyang bulsa para ihulog doon.
Lalakad na sana si Frei palapit sa balon nang bigla siyang matigilan. May nakita siyang parang tuktok ng ulo na umaangat mula sa loob niyon. Nanlaki ang kanyang mga mata nang tuluyang lumitaw ang may-ari ng ulo. Isa iyong babaeng mahaba ang itim na itim na buhok. Natatabingan ng buhok ang mukha nito at nakasuot ito ng itim na mahabang damit. Nahulog ang baryang hawak niya nang tuluyang lumabas mula sa balon ang babae. Napaatras siya nang hawiin nito ang buhok na tumatabing sa mukha nito.
Si Vee ang halimaw sa balon! Bakas ang matinding galit sa mukha ni Vee. Itinaas nito ang dalawang kamay na parang pinapalapit siya. Biglang nagdilim ang langit at nag-iba ang anyo ni Vee. Naging kamukha ito ni Sadako sa pelikulang The Ring. Nanginig sa takot si Frei. Tumalikod siya para tumakbo pero bago pa siya makalayo, naramdaman niyang may humihila sa kanyang paa. Napasigaw siya...
Bumalikwas ng bangon si Frei. Nakita niya si Jacob na hinihila ang kanyang isang paa.
"Anak ng tokwa, pare, kanina pa kita ginigising!"
Pinagmasdan ni Frei ang paligid. Nasa likod siya ng gym kung saan walang estudyanteng naliligaw dahil liblib kaya ginawa nilang hangout na magkakaibigan. Nakahiga siya sa lumang mesa na nakadikit sa pader. Naalala niya na pumunta siya roon kanina para magmuni-muni. Humiga siya sa mesa at hindi niya namalayang nakatulog siya.
Panaginip lang pala ang lahat. Ang akala niya, totoong nakita niya si Vee na umahon mula sa balon at nag-ibang-anyo. Ikinuwento niya kay Jacob ang kanyang napanaginipan. Ang lakas ng tawa ng kanyang kaibigan.
"Hindi kaya premonition iyan?" Umupo si Jacob sa tabi niya.
"Anong premonition?"
"Na malapit ka nang kulamin ni Vee."
"Gago! Huwag kang ganyan." Hindi niya makalimutan ang galit na galit na mukha ni Vee sa kanyang panaginip. Hindi nga malayo na kulamin siya ni Vee dahil sa naging engkuwentro nila sa silid nito ilang linggo na ang nakararaan.
Nakita niya si Vee sa canteen noong nakaraang linggo. Nang magkasalubong sila ng tingin ay tiningnan siya nito nang masama. Kinabukasan, nakasalubong naman niya sa corridor ang dalaga. Mukhang galit pa rin sa kanya.
Tumawa si Jacob. "O, eh, di inamin mo ring natatakot ka."
"Hindi ako natatakot. Bothered lang ako. Ikaw ba naman ang makakita sa akto ng witch na nagpa-practice ng witchcraft, ewan ko na lang kung hindi ka ma-bother."
"Naniniwala ka nang totoong may mga witch?"
"Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon na witch si Vee."
"Itutuloy mo pa rin ba ang balak mo sa kanya?"
"Napatunayan ko nang totoong witch siya. Galit siya sa akin kaya hindi malayong kulamin nga niya ako. So, I think I need to talk to her and apologize for what I've done. Mahirap na, baka kulamin talaga niya ako."
"Eh, hawakan mo ba naman iyong boobs, pare."
"Hindi ko naman sinasadya, eh. Pero in fairness, pare, panalo." Hindi niya napigilan ang mapangisi.
"Mukhang ikaw pa lang ang nakakahawak kaya siguro galit na galit sa iyo. Halatang virgin pa si Vee."
Napapikit si Frei habang nakangiti. He imagined Vee wearing her black nightgown and smiling seductively at him. She was beckoning him to come closer. Lumaylay ang isang strap ng nightgown nito na lalong nagpahalina sa kanya. She was breathtakingly beautiful. Kaya lang, biglang nag-iba ang anyo nito. Naging kamukha ito ni Sadako. Bigla siyang napadilat. Kahit gising na siya ay mukhang binabangungot pa rin siya.
"I think I really need to talk to her."
HINANAP ni Frei si Vee sa campus pero hindi niya nakita ang dalaga. Nagpunta siya sa AB building pero wala rin ito roon. Kinabukasan, hindi pa rin niya nakita si Vee kaya nagpasya na siyang tanungin si Jerry kung nasaan ang pinsan nito. Nagulat siya nang malaman na hindi na papasok sa SCU si Vee dahil umalis na ito sa bahay nina Jerry at nagpunta sa Davao kasama ang tiyahin nito.
Hindi man lang sila nagkausap bago umalis si Vee. Mukhang binaon ng dalaga ang galit sa kanya. Sana huwag naman siyang kulamin nito.
BINABASA MO ANG
VEE, The Pretty Witch [COMPLETED] (St. Catherine University Series Book #2)
RomanceVee was fascinated about witchcraft kaya inakala ng iba na isa siyang mangkukulam. Nobody had the nerve to mess up with her. Except her naughty, playful schoolmate Frei. *This novel and the rest of the SCU series are already available in print...