Part 19

9.8K 275 3
                                    


TUMALILIS si Frei papasok sa loob ng silid ni Vee nang makita niyang pumasok sa banyo ang dalaga. Sa apat na araw na pananatili niya sa bahay na iyon bilang isang dakilang houseboy, nalaman na niya ang daily routine ni Vee. Nagigising ito ng alas-diyes ng umaga at natutulog ng madaling-araw. Buong araw na nagkukulong ito sa kuwarto. Paminsan-minsan, lumalabas ito para utusan siya.

Hindi alam ni Frei kung ano ang ginagawa ni Vee sa loob ng kuwarto buong maghapon at magdamag. Hindi ito pumapasok sa trabaho kagaya ng ginagawa ng mga normal na taong nasa edad nito. He wondered what her source of living was. Hindi niya alam kung saan galing ang perang ibinigay nito sa kanya nang nagdaang araw nang utusan siyang mag-grocery. Galing ba iyon sa mga espiritung tinatawag nito tuwing nagre-recite ng summons? Napailing siya. Nagiging weird na rin ang takbo ng kanyang isip.

Pero napakamisteryosa talaga ni Vee. Kaya naman sinamantala niya ang pagpasok sa banyo ng dalaga sa ikalawang palapag ng bahay para pumasok sa silid nito kahit kabilin-bilinan nitong huwag siyang papasok doon. Gusto niyang malaman kung ano ang itinatago ni Vee sa kuwarto nito. Kailangan din niyang mahanap ang voodoo doll na ginamit nito sa kanya. Curious kasi siya kung kahawig talaga niya ang voodoo doll. Aalisin din niya kung may pin na nakatusok doon. Baka kapag ginawa niya iyon ay mawala na ang kulam sa kanya. O kaya naman, ang notebook nito na naglalaman ng witchcraft spells na nakita niyang binabasa nito sa silid nito four years ago ang kukunin niya. Baka may spell doon na pangontra sa sumpa.

Wala namang kakaiba sa silid ni Vee. Walang rebulto o imahen ng mga kampon ng kadiliman na iniisip niyang sinasamba ng dalaga. May laptop pa ngang nakapatong sa study table nito. Maraming libro sa malaki at mataas na shelf. Nahagip ng kanyang paningin ang tatlong itim na librong magkakatabi sa isang parte ng shelf.

The World Of Mystic? napakunot-noong basa ni Frei sa isip ng title ng libro. No wonder Vee also read the fantasy novels. Witch din ang bida sa mga librong iyon. Marami pang mga libro doon na mukhang tungkol din sa paranormal. He scanned the books in the shelf until he found a book with no side title. Kinuha niya iyon at mabilis na binuklat. Napangiti siya nang mabasa ang nasa unang pahina niyon.

Book Of Spells.

Mabilis na lumabas siya ng silid ni Vee at tumuloy sa servant's quarter. Doon ay muli niyang binuklat ang notebook. "Property of Mirasol Mendez," he read. She must be Vee's mother. Kung ganoon, minana lang pala ni Vee ang pagiging witch sa nanay nito.

He continued flipping the pages. Natapos siyang i-scan ang laman niyon pero wala siyang nakitang spell tungkol sa pangontra sa kulam o sumpa. May napansin din siya sa nilalaman ng notebook na iyon. Walang bad spells na nakasulat doon. Puro good spells lang ang naroon. Nakapagtataka. Bad spells dapat ang mga nakasulat doon dahil black witch si Vee.

Black witches only practiced bad witchcraft, according to The World Of Mystic. If Vee was practicing good witchcraft, ibig sabihin, hindi ito isang black witch? Pero isinumpa siya ng dalaga at ginawa pa siyang alila. Malupit ito. Kaya paano ito magiging isang white witch?

Pero ilang beses nang napikon sa kanya si Vee. Hindi man niya sinasadya, naaasar ito sa halos bawat sabihin niya. Palaging sinasabi ni Vee na gagawin siya nitong hayop o insekto pero hindi naman ginagawa. Kung talagang masama ito, tinotoo na dapat nito ang mga banta.

Paano kung hindi naman talaga totally masama si Vee? Paano kung nagkukunwari lang itong masama para katakutan?

Napapitlag siya nang biglang bumukas ang pinto ng silid. Mabilis niyang itinago sa kanyang likod ang hawak na notebook pero mukhang nakita ni Vee na may itinago siya sa kanyang likod.

"Ano 'yan? Bakit kailangan mong itago?"

Mabilis siyang nakaisip ng idadahilan. "Ah... porno."

"What?"

"Porno. Playboy magazine."

Lumarawan ang disgust sa mukha ni Vee. "You're really such a perv."

He smiled. "Thank you, Ma'am."

"Magluto ka na ng lunch," nakairap na utos nito.

"Yes, Ma'am."

Nakahinga nang maluwag si Frei nang umalis na ang dalaga. Itinago niya sa ilalim ng kanyang kama ang notebook. Kailangang maibalik kaagad niya ang notebook dahil baka hanapin nito iyon. Vee was indeed a mystery and he was curious about her. Aalamin niya ang misteryo sa pagkatao ng dalaga habang nasa bahay siya nito.

VEE, The Pretty Witch [COMPLETED] (St. Catherine University Series Book #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon