"NAKULAM?" ulit ni Frei sa sinabi ni Jacob.
"Yes, pare. Nakulam si Trig. Tinubuan siya ng kung ano-anong bukol sa katawan. Hindi raw gumagaling sa mga gamot. Ang sabi n'ong kapatid niya nang tumawag ako sa kanila, ipinapagamot daw sa albularyo. Ang sabi ng albularyo, may nasaktan daw na babae si Trig kaya malamang na pinaghihigantihan siya," pagkukuwento ni Jacob na ang tinutukoy ay ang kaklase nilang isang linggo nang absent.
Umiling-iling si Frei habang nakangiwi. "Pare, ang tanda mo na, naniniwala ka pa sa mga kulam-kulam na 'yan? Kalokohan 'yan. Baka may nakain 'yang si Trig na kung ano kaya nagkagano'n 'yon. Ang takaw kasi. Lahat na lang, nilalamon." Nagde-kuwatro siya sa pagkakaupo sa isa sa mga bench sa school ground ng St. Catherine University.
"Iyon ang sabi ng family niya, eh. Saka sa pagkakaalam ko, totoong may mga mangkukulam sa mga probinsiya."
He snorted. "Ang labo! Dala lang ng malilikot na imagination ng mga tao ang kulam-kulam na 'yan. Parang mga superhero. Wala naman talagang mga gano'n. Hindi naman talaga nag-e-exist si Superman o si Batman. Maniniwala ka ba sa gano'n? Naka-briefs lang sila, 'tapos, ang lakas ng mga loob na lumipad-lipad at managip ng tao?" Pumalatak pa siya.
Tumawa si Jacob. "May leggings naman, pare."
"Kahit na. Bakat, eh. Hindi ba sila nahihiya sa mga sinasagip nila?"
Muling tumawa ito. "Alam n'yo, ang mas mabuti pang gawin natin, mag-chick hunt na lang kaysa maniwala sa mga kulam-kulam na 'yan."
"So, hindi ka naniniwalang mangkukulam si Vee?"
"Si Vee?" Naalala ni Frei ang mestiza na babaeng parating nakaitim. Mahaba ang itim na itim na buhok nito at straight at straight na parang palaging nagpapa-rebond. Mailap sa mga tao si Vee. Tuwing nakikita niya ang dalaga ay parating nag-iisa ito. Nang minsang makatuwaan niyang batiin si Vee nang makasalubong nila ang dalaga ay tiningnan lang siya nito. Ang sabi-sabi, witch daw ito kaya marami ang ilag dito. Hindi niya alam kung saan nanggaling ang ideyang iyon.
"'Yong transferee. 'Yong babaeng parating nakaitim."
"I don't think so. Natsismis lang na mangkukulam 'yon kasi aloof saka kakaiba kung tumingin at saka parating nakaitim. Pero hindi witch 'yon. May witch bang ganoon kaganda?"
"Malay mo, nag-iibang-anyo 'yon kapag umuuwi sa bahay nila," nakangising sabi ni Jacob.
"Gago! Para kang bata. Baka kapag sinabi ko sa 'yong lalabasan ng barko 'yang sugat mo, maniwala ka."
"Speaking of the witch..." ani Jacob sa mahinang tinig.
Napatingin si Frei sa direksiyong tinitingnan ng kaibigan. Nakita niya si Vee na dumadaan sa tapat nila. Deretso ang tingin nito sa daan na parang walang ibang taong nakikita sa paligid. Naisip tuloy ni Frei na siguro, sa perspective ni Vee ay ito lang ang tao sa mundo.
"Siguro autistic lang siya pero sigurado akong hindi siya mangkukulam," aniya na hindi pinagkaabalahang hinaan ang tinig.
Huminto sa paglalakad si Vee at tumuon ang mga mata sa kanya. Matalim ang tinging ibinigay sa kanya ng dalaga, tanda na narinig nito ang kanyang sinabi. He knew she was aware she had become popular in the campus since the issue about her being a witch came up. Kaya siguro alam din ni Vee na patungkol dito ang kanyang sinabi kaya mukhang nagalit. Sa halip na matakot sa dalaga tulad ng kanyang mga schoolmate, nginitian at kinawayan pa niya ito.
"Hi, schoolmate! Looking good in black, huh?" hindi napigilang sabihin ni Frei.
Nagsalubong ang mga kilay ni Vee na mukhang lalong nagalit sa kanyang sinabi.
Naramdaman ni Frei ang pasimpleng pagsiko sa kanya ni Jacob na mukhang pinatatahimik siya. Hindi niya pinansin ang kaibigan. Hindi siya katulad nito na naniniwala sa mga mangkukulam kaya hindi niya pinangingilagan si Vee. In fact, para pa ngang bigla siyang nakadama ng drive para kaibiganin ang babae. Gusto niyang sakyan ang formidable image nito para naman katakutan din siya ng kanyang mga schoolmate. Dahil kilala siya sa buong campus bilang funny guy, walang natatakot sa kanya kapag nagagalit na siya. Kaya siguro magandang dumikit-dikit siya nang kaunti sa isang tulad ni Vee para magkaroon din siya ng formidable image.
May sasabihin pa sana siya kay Vee pero nagbawi na ito ng tingin pagkatapos siyang tingnan nang walang kasinsama. Ipinagpatuloy nito ang paglalakad.
"'Bye, schoolmate! See you around," pahabol na lang niya kay Vee. Sinundan niya ng tingin ang dalaga hanggang sa makalayo na ito. "She has a nice butt, pare."
"Gago ka talaga, Frei. Narinig ni Vee 'yong sinabi mo. Ginalit mo siya. Humanda ka na. You are now cursed. Nai-imagine ko na kung ano'ng hitsura ng voodoo doll na gagamitin niya sa iyo," pananakot ni Jacob, sabay ngisi.
Tumawa siya. "Sana lang ma-justify ng voodoo doll replica ko na gagawin niya ang kaguwapuhan ko."
"Seriously, pare, you could be in trouble. Bumili ka na ng pangontra sa kulam."
"Sinabi nang hindi mangkukulam si Vee. Hindi totoo ang mga mangkukulam. Gusto mo, patunayan ko sa iyo na hindi siya mangkukulam?"
"Paano mo naman gagawin iyon?"
"Makikipaglapit ako sa kanya. As in 'tight.'" Pinagdikit pa ni Frei ang dalawang hintuturo.
"Liligawan mo siya?"
"Puwede rin. Kahit hindi ko siya type, maganda siya. Kaya sige, ibibigay ko sa kanya ang privilege para maging girlfriend ko," buong kayabangang sabi niya. Kabe-break lang nila ng kanyang recent girlfriend kaya libreng-libre siya.
"Seryoso ka, pare?" mukhang hindi makapaniwalang tanong ni Jacob.
"Yup! Wait and see. Magugulat ka na lang, close na kami ni Vee at patutunayan ko sa iyo na hindi siya totoong mangkukulam." Ibinalik ni Frei ang tingin sa direksiyong pinuntahan ng babae. Sa totoo lang, curious din siya kay Vee. He wondered why she was so aloof and antisocial. Nakatakda niyang alamin ang misteryo ng pagkatao nito.
BINABASA MO ANG
VEE, The Pretty Witch [COMPLETED] (St. Catherine University Series Book #2)
RomanceVee was fascinated about witchcraft kaya inakala ng iba na isa siyang mangkukulam. Nobody had the nerve to mess up with her. Except her naughty, playful schoolmate Frei. *This novel and the rest of the SCU series are already available in print...