Part 30

10.2K 300 3
                                    


NANG lumabas si Vee ng kanyang kuwarto nang makapananghali, nakita niya si Frei na lumabas mula sa kusina. "Bakit nandito ka pa? 'Di ba, sinabi ko nang umalis ka na?"

"Ayoko pang umalis."

"Umalis ka na. Tapos na ang trabaho mo. Nabawi ko na rin ang sumpa kaya wala nang rason para manatili ka pa rito."

"You still need me."

"I don't need you. Leave!"

Sa halip na umalis ang binata, lalo pa itong lumapit sa kanya. Kinabahan siya sa nakikita sa mga mata nito. Mukhang puno ng determinasyon si Frei. Hindi na ito natatakot sa kanya.

Napaatras si Vee dahil palapit ito nang palapit sa kanya. Hanggang sa maramdaman niya ang paglapat ng kanyang likod sa carved railings ng hagdan. Itinukod ni Frei ang dalawang kamay nito sa kanyang magkabilang gilid. Suddenly, she was trapped.

"G-go away!" pilit na pagmamatigas ni Vee.

"I want to stay."

"Gusto mo pang magpaalipin sa akin?"

"Why not? If that would be the only way to be with you."

"You're crazy! Umalis ka na kung ayaw mong parusahan kita."

"If I kiss you now, you'll turn me into a toad, right?"

"Yes! A very ugly, disgusting toad," mariing pananakot niya.

Mas lumapit pa ang mukha nito sa kanya. Their lips were almost touching. "Then turn me into a very ugly, disgusting toad... because I want to kiss you so badly."

Her mouth opened to let out a gasp, just in time that he claimed her lips. That was exactly how he kissed her in her dream. Hindi siya nakakilos para itulak si Frei. Mukhang hindi gumana ang spell na kani-kanina lang ay ni-recite niya. Aaminin niyang gusto niya ang ginagawa nito sa kanyang mga labi. She was dazed by the intensity of his kiss. He gathered her inside his arms when he stopped kissing her. Ganoon pala ang pakiramdam ng mahalikan at mayakap ng isang lalaki. Napakasarap pala. Ngayong ipinalasap nito sa kanya ang mga iyon, pakiramdam niya, hindi na niya kaya pang malayo ang binata sa kanya.

"Please let me stay, Vee. I want to be with you," he pleaded after a few seconds of hugging her in silence.

"W-why? Tell me the reason why."

Niluwagan ni Frei ang pagkakayakap sa kanya para tingnan siya sa mga mata. She saw tenderness in his eyes as he stared at her. Masuyong hinaplos nito ang kanyang mukha. "Because I think... I'm falling for you."

Biglang may sumalakay na emosyon sa puso ni Vee pagkarinig sa sinabi ng binata. Napakasarap din pala na masabihan ng isang lalaki ng ganoong mga salita. Pinilit niyang huwag ipahalata ang nadamang kasiyahan sa narinig mula rito. "How did that happen?"

"I don't know. Bigla ko na lang naramdaman. Ang bilis nga, eh. Nagulat din ako. Pero alam ko, I started to feel something different towards you when you turned nice to me. When you smiled at me for the first time, kinilig ako." Ngumiti ito. "Noong nagkasakit ka, nag-alala ako. I took care of you because I wanted to do that and not because I had to."

Pinigilan ni Vee ang mapangiti.

"Don't you feel the same way for me?"

Hindi na siya nag-isip. Hinagkan na lang niya ang mga labi ni Frei. Alam niyang maaari niyang pagsisihan sa bandang huli ang pagsuko sa damdaming nasa kanyang puso pero ayaw na muna niyang isipin iyon. Sa ngayon, gusto niyang maranasan kung paano ang mahalin at magmahal ng isang lalaki. Gusto niyang damhin ang pagmamahal ng kauna-unahang lalaking nakapasok sa kanyang puso.


VEE, The Pretty Witch [COMPLETED] (St. Catherine University Series Book #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon