"KAILAN kaya lalabas 'yong fourth book ng The World of Mystic?"
Mula sa pagtitig sa kawalan ay ibinaling ni Vee ang tingin kay Frei. Nasa porch sila. Nakaupo siya sa rocking chair at ito naman ay sa isa sa mga silya sa tapat ng mesa. Gusto niyang doon mag-snack nang hapong iyon. Ilang araw din siyang nagkulong sa kanyang kuwarto kaya naisipan niyang sa porch kumain para makalabas naman siya kahit paano. "Bakit?"
"Kasi naiinip na ako, eh. Gusto ko nang mabasa. Kapag lumabas iyon, bibili agad ako."
Bahagya siyang ngumiti. Nasa one-fourth pa lang siya ng librong isinusulat. Medyo nahihirapan siya sa pag-iisip ng aspetong romance sa pagitan ng mga bida.
"Aside from that, my niece called up. Itinatanong niya kung nahanap ko na raw ba si Hera Lou at kung nakapagpa-sign na ako. Ang sabi ko, may inaasikaso pa ako kaya hindi ko pa nahahanap. Naglambing. Sana raw mapapirmahan ko na iyong books before her birthday para daw sa birthday party niya, maipagmalaki niya sa mga friends niya na nakapagpa-sign siya kay Hera Lou."
"Kailan ba ang birthday niya?"
Sinabi nito ang date. "Napasubo yata ako. Spoiled kasi sa akin iyong batang iyon. Kapag naglambing kasi iyon at nag-promise ako, lagi kong natutupad."
"Don't worry, magkakaroon ka na ng time para hanapin siya. Bukas, tapos na ang trabaho mo sa akin. Makakauwi ka na sa Manila." Bumigat ang loob ni Vee nang sabihin iyon. Bukas ay aaminin na rin niya kay Frei ang totoo. Alam niyang malaki ang posibilidad na magalit sa kanya ang binata pero tatanggapin niya iyon.
Hindi ito nagsalita, tumitig lang sa kanya.
"I'm sure, mapapapirmahan mo ang books ng niece mo kay Hera Lou bago dumating ang birthday niya."
"Writer ka rin ba?" tanong nito.
"Huh? Bakit mo naman naitanong?"
"Kasi Journalism student ka sa SCU dati, 'di ba?"
"Ah, oo. Iyon ang source of living ko."
"What kind of materials do you write?"
"I'm a technical writer." Totoo namang technical writer din siya bukod sa pagiging isang nobelista. "My boss sends me jobs through e-mail. They pay me through my bank account."
"Kaya pala lagi ka lang nagkukulong sa kuwarto mo at hindi ka umaalis ng bahay. Ganoon din siguro si Hera Lou."
"More likely."
"I wonder what her fourth book would be about. Hula ko—hula ko lang, ha—sa fourth book, malalaman na ni Tod na isang witch si Kisha."
Tama ang hula ni Frei. Isa iyon sa mga bahagi ng fourth installment. "Siguro nga."
"Sana magkaroon na ng love life si Hera Lou," nakangising sabi ni Frei.
"Ano'ng sabi mo?"
"'Di ba, ang hula ko, walang love life si Hera Lou kaya hindi niya mabigyan ng romantic substance iyong involvement nina Kisha at Tod? Kaya sana maranasan na niyang ma-in love at mahalin para naman malagyan na niya ng romantic scenes ang fourth book."
Parang biglang gininaw si Vee sa sinabi ni Frei.
Ma-in love?
m
BINABASA MO ANG
VEE, The Pretty Witch [COMPLETED] (St. Catherine University Series Book #2)
RomanceVee was fascinated about witchcraft kaya inakala ng iba na isa siyang mangkukulam. Nobody had the nerve to mess up with her. Except her naughty, playful schoolmate Frei. *This novel and the rest of the SCU series are already available in print...