Walang tigil sa pagtipa ang mga daliri ni Vee sa keyboard ng kanyang laptop. Inspired na inspired siya sa pagsusulat. Ganoon pala kapag in love ang isang tao, mas active ang isip at pandama kaysa sa mga taong zero ang love life. Simula nang maging sila ni Frei, hindi na naalis ang ngiti sa kanyang mga labi.
For the life of her, she had never felt that happy. Napakasarap pala talaga ng may minamahal at may nagmamahal. Kakaiba iyon sa lahat ng klase ng emosyon na kayang maramdaman ng isang tao. Frei made her feel so special and cherished. Lahat ng atensiyon at pag-aalaga na hindi niya naranasan mula noong bata pa siya ay ito ang nagbigay sa kanya. Ngayong naranasan na niya ang magkaroon ng kasama, hindi na niya gustong mag-isa pa.
Tod moved closer to Kisha. Their eyes locked. He raised his hand to touch her face. Her heart pounded in anticipation and unplumbed longing. She wanted him to kiss her like there was no tomorrow.
Slowly, his face moved inch by inch closer to hers. She closed her eyes. At the first touch of his lips to hers, everything around became hazy. And as the kiss deepened, she realized that she was in love. She was madly in love with Tod.
Nag-init ang mga pisngi ni Vee nang mabasa ang isinulat. Na-imagine kasi niya na sila ni Frei sina Kisha at Tod. Kung paano siya hinagkan ni Frei, ganoon din hinagkan ni Tod si Kisha. Kung ano ang naramdaman niya habang hinahagkan siya ni Frei, ganoon din ang naramdaman ni Tod. Kaya na niyang bigyan ng emosyon ang aspetong romance sa pagitan ng mga bida sa kanyang fantasy novels. Alam na kasi niya kung ano ang dapat maramdaman ni Kisha para kay Tod dahil in love din siya tulad nito.
Napatingin si Vee sa pinto nang may marinig siyang katok. Napangiti siya. Of course, it was Frei. Mukhang mangungulit na naman ito. Isinara niya ang file dahil baka makita nito iyon. May tamang panahon para aminin niya sa binata na siya si Hera Lou. Balak niyang sorpresahin ito.
"Pasok!"
Sumungaw ang ulo ni Frei sa bumukas na pinto. "'Working?"
"Just researching stuff in the Internet," pagkakaila niya.
Tuluyan nang pumasok ang binata. Kinuha nito ang upuan ng coffee table at inilipat sa kanyang tabi. Doon ito umupo. "Hindi na naman ako makatulog."
Pinalipat na niya si Frei sa katabing silid niya. Hindi na kasi niya servant ang binata.
"Hindi ka pa rin sanay sa bagong kuwarto mo? Gusto mo, bumalik ka na lang sa ibaba," she teased.
"Puwede bang dito na lang ako matulog?" he teased back, sabay akbay sa kanya. Namumungay ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya.
Ngumiti si Vee at pabirong tinampal ang pisngi ni Frei. "Ayoko ng may katabi. Hindi ako sanay."
"Puwes, simula ngayon, dapat masanay ka na. Mag-practice ka na mamaya. Dito na ako matutulog para makapag-practice ka," patuloy nito sa panunukso.
Tumawa siya nang mahina. "Sine-seduce mo ba ako?"
"Umeepekto ba?"
"Actually..." Tinitigan niya si Frei. Sinadya niyang papungayin ang mga mata. Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa binata. Nakita niya ang anticipation sa mga mata nito. "Hindi!" she yelled at his face and laughed, to his dismay. Natuto na rin siyang mang-asar.
Sumimangot si Frei na mukhang dismayadong-dismayado. "Maglaro na nga lang tayo ng Scrabble."
"Scrabble? Wala akong board games dito sa bahay."
"Alam ko. Diyan sa Internet."
"Would you believe na hindi pa ako nakakapaglaro ng Scrabble kahit isang beses? Although alam ko ang laro na iyon. Nobody wants to play with me. I don't want to play with anyone either. I tried to play with myself as my opponent once. Hindi ako masyadong nag-enjoy."
Pinisil nito ang kanyang balikat. "From now on, sa lahat ng gagawin mo, may kasama ka na."
"Thanks," she said sincerely.
"Pati sa paliligo, kung gusto mo, okay lang sa akin na samahan ka."
Tumawa si Vee at muling tinampal ang pisngi nito. "Perv!"
Hinanap ni Frei sa Google ang online Scrabble game. "Teka, ano nga pala'ng premyo ko kapag nanalo ako?" tanong nito habang gumagalaw ang daliri sa touch pad ng laptop.
"Huwag na lang premyo. Parusa na lang sa natalo."
"Okay. Kapag natalo ako, ano'ng gusto mong ipagawa sa akin?"
"Gusto kong sumayaw ka sa harap ko."
He grinned. Mukhang hindi parusa para kay Frei ang kanyang sinabi. Mukhang gustong-gusto pa nito iyon. "Striptease dance?"
"Hell, no! Gusto kong magsayaw ka ng pandanggo sa ilaw o kaya maglalatik," nakangising sabi niya.
Nawala ang ngiti nito. "Fine. Ikaw naman kapag natalo ka..." pambibitin nito kasabay ang pagbalik ng pilyong ngiti nito.
"Huwag na huwag mo akong pagsasayawin ng striptease!" nandidilat na banta niya sa binata.
"Okay, nananakot ka, eh. Kikilitiin na lang kita."
"Ha?"
"Kikilitiin kita nang ten minutes at hindi ka papalag."
Nadiskubre ni Vee na malakas pala ang kanyang kiliti sa tagiliran nang minsang subukan nitong kilitiin siya. "Ten minutes? Ang tagal n'on, ah!"
"Huwag ka nang umangal. Ako nga, hindi umangal sa pandanggo o maglalatik dance."
Ilang saglit pa ay naglalaro na sila. Sa unang phase ng laro, lumamang siya pero sa bandang huli ay si Frei naman ang lumamang sa scores. Hindi siya makapaniwala na natalo siya ng binata! Napakapangit naman kasi ng mga tiles na lumilitaw sa kanyang rack.
"No way! Ulitin natin," protesta niya.
"Walang ulitan. Huwag kang madaya. Kilitian time na!" Mabilis na sumundot ang mga daliri ni Frei sa kanyang tagiliran. Napatili siya at umiwas dito.
"Madaya! Walang iwasan." Muli siyang kiniliti nito.
Tawa siya nang tawa. Kumawala siya kay Frei at tumakbo papunta sa isang bahagi ng silid na malayo rito. Naghabulan at nagpatintero sila. Nang mahuli siya ng binata ay napahiga siya sa kama sa kakatawa. He came after her. Bigla ay nasa ibabaw na niya si Frei. Then suddenly, they were not laughing anymore. Napaka-intimate kasi ng posisyon nila.
****Oops! Sorry, need to cut this scene short. SPG. Chos! Nope, para fair sa mga bumili ng novel, sila lang ang puwedeng makabasa ng kabuuan ng eksenang ito. Proceed to next scene na tayo :)
BINABASA MO ANG
VEE, The Pretty Witch [COMPLETED] (St. Catherine University Series Book #2)
RomanceVee was fascinated about witchcraft kaya inakala ng iba na isa siyang mangkukulam. Nobody had the nerve to mess up with her. Except her naughty, playful schoolmate Frei. *This novel and the rest of the SCU series are already available in print...