Part 12

11.3K 313 1
                                    


NGUMITI kaagad si Frei nang makita si Shane, ang kanyang twelve years old na pamangkin. Naabutan niya itong nagbabasa ng libro sa kuwarto nito. Dumalaw siya sa bahay ng older sister niyang may kakilalang magaling na private detective.

Nagdesisyon siyang ipahanap si Vee sa isang private investigator. Nang puntahan niya si Jerry, sinabi nitong hindi raw nito alam ang address ng pinsan. Wala rin daw itong alam tungkol sa nangyayari sa babae. Simula raw kasi nang umalis si Vee sa bahay ng mga Genares, hindi na uli ito nagpakita pa. Jerry referred him to Vee's father.

Pero nang puntahan niya ang ama ni Vee sa bahay nito, tumanggi itong sabihin sa kanya ang kinaroroonan ng anak dahil hindi raw siya kilala nito. Kaya naman wala na siyang choice kundi ang ipahanap ang babae sa isang detective.

"Hi, Uncle!" magiliw na bati sa kanya ni Shane nang makita siya. Tumayo ito mula sa kamang kinauupuan kanina at hinintay siyang lumapit.

"Hi, baby!" Yumakap ito sa kanya nang makalapit siya. Mukha na itong dalaga. Noon, palagi pa niyang binubuhat ito. "You're busy?"

"I'm reading a book. Actually, binabasa ko lang uli. Kasi wala pa iyong fourth book, eh." Bumalik ito sa pagkakaupo at kinuha ang librong inilapag nito kanina.

Sinulyapan ni Frei ang librong hawak nito. "Fiction?"

Tumango ito.

Tumabi siya kay Shane at kinuha mula rito ang libro para tingnan ang cover niyon. Itim ang background ng libro. May image na dalawang nakabukang kamay sa pabalat niyon. Sa loob ng mga kamay ay isang bilog na may iba't ibang imahe na sumisimbolo sa paranormal world. The title of the book was The World Of Mystic: The Secrets Of The Blue Moon.

"What is this book about?"

"It's about the supernatural world."

"Supernatural? Like Harry Potter?" Mahilig din itong magbasa ng Harry Potter books.

Tumango si Shane. "But this one's different because it's not just all about wizardry. Maraming different kinds of supernatural creatures sa book. And what's so amazing about this is the fact that it is written by a Filipina. Ang galing-galing niyang magsulat, Uncle. She could be the J.K. Rowling of the Philippines."

"Really?" Binasa niya ang pangalan ng author. "Hera Lou."

"I want to meet her personally. Gusto kong ipa-sign sa kanya ang three books ko ng 'The World Of Mystic' series."

"Then go and meet her. Pumunta ka sa book signings niya."

Umiling ito. "She doesn't have book signings."

"How could that be? Hindi ba siya nagpo-promote ng books niya?"

"Parang hindi. It seems she wants to keep her identity unknown. Hera Lou is just her pen name. Walang nakakakilala kung sino siya. Parang nagtatago siya."

"Hmm... Baka kaya siya nagtatago, kasi mukha rin siyang supernatural. Mukha siyang witch," pagbibiro ni Frei.

She pouted. "Not all witches look ugly."

Nawala ang ngiti niya. Totoo ang sinabi ni Shane. May magaganda ngang witches. In fact, he knew one. "Paano mo nasabi? Nakakita ka na ba ng totoong witch?"

Ngumiti ito. "Kisha is pretty."

"Who's Kisha?"

"She's the lead character in this book series. She's an eighteen-year-old white witch. The way Hera Lou described her, na-picture ko sa isip ko na maganda si Kisha. She has long, straight black hair. Her face is small and round. She has slit eyes, small straight nose, and slightly pouted lips. She's mestiza and slender."

Inilarawan ni Frei sa isip ang bawat detalyeng sinabi nito at isang mukha ang lumitaw sa kanyang isip. That was exactly how Vee looked like.

"Isn't she pretty, Uncle?"

"Huh? Ah, yes. She's pretty. A pretty witch." Sinamahan pa niya iyon ng maikling pagtawa.

"That's why Tod likes her a lot."

"Who's Tod?"

"He is Kisha's leading man."

"Witch din siya?"

"No. He's a mortal."

"Hmm... a love affair between a supernatural creature and a mortal, huh?"

"It's not actually a love affair. Kisha likes Tod, Tod likes Kisha but they're not officially lovers. Because Kisha doesn't want Tod to find out about her supernatural persona. She doesn't want Tod to be scared of her."

"You couldn't blame Tod if he gets scared. Pero kung mahal talaga niya si Kisha, tatanggapin niya anuman ang pagkatao ni Kisha."

Ngumiti nang maluwang si Shane. "I like what you said, Uncle. What if it happens to you? Kunwari, na-in love ka sa isang witch. Would you marry her?"

Hindi napigilang matawa ni Frei. "Hinding-hindi ako mai-in love sa isang witch."

Nawala ang ngiti ni Shane. She looked disappointed.

Inakbayan niya ang pamangkin. "Baby, this is just fiction," aniyang ang tinutukoy ay ang libro. "Baka sa kakabasa mo nito, maghanap ka ng good supernatural creature at pakasalan mo. Huwag gano'n, ha."

"That's not the point, Uncle. I'm talking about love against all odds. Not just in fiction but in real life, too. Puwede namang magkatuluyan ang two creatures from different worlds, 'di ba? As long as they truly love each other. They said, love knows no boundaries."

Pinisil niya ang ilong ni Shane. "Ang bata-bata mo pa, love na iyang nasa isip mo."

She pouted. Kinuha nito sa kanya ang libro at tinitigan ang cover niyon. "I hope I could get her sign my books."

"Don't worry, baby, hahanapin ko si Hera Lou para sa iyo at ipapa-sign ko ang books mo."

Umaliwalas ang mukha nito. "Really, Uncle?"

"Yes." Naisip niyang puntahan ang publication na nag-publish ng mga libro ni Hera Lou at doon magtanong tungkol sa kinaroroonan ng writer.

"Yehey!"

"But you have to give this to me," ani Frei na ang tinutukoy ay ang libro. "And the other two."

"Sure! Thanks, Uncle!"

VEE, The Pretty Witch [COMPLETED] (St. Catherine University Series Book #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon