Part 34

10.6K 295 4
                                    


Basang-basa na ng mga luha ang unan ni Vee. She had been crying since she went back to Davao that morning. Hindi siya tinawagan ni Frei kinagabihan nang araw na marinig niya ang usapan nito at ni Jacob. Sapat nang patunay iyon na nagpadala nga ito sa mga sinabi ni Jacob. Frei must be confused now.

Hindi naman talaga siya totoong witch at kaya niyang ipaliwanag dito ang lahat. Pero hindi iyon ang pinakaproblema. Hindi iyon ang nagbigay ng insecurity sa kanyang dibdib. It was the fact that Leslie came back. And from the way Jacob said it, Leslie came back for Frei.

Bago sila nagkamabutihan ni Frei ay si Leslie ang mahal ng binata. Si Leslie ang dahilan kung bakit nagpaalila si Frei sa kanya para bawiin niya ang "sumpa" rito. Frei told her he wanted his ex-fiancée back. At ngayon, bumalik sa bansa si Leslie para makipagbalikan kay Frei. Biglang nalito si Frei sa damdamin nito kaya siguro hindi siya tinawagan. Or worse, baka nakipagkita ito kay Leslie at magkasama ang dalawa nang nagdaang gabi.

The fact that Frei did not call her last night, this morning, and until tonight only meant one thing. Nakapagdesisyon na siguro ang binata kung sino talaga ang mahal nito. At hindi siya iyon.

Dumating na ang kinatatakutan ni Vee. Iiwan na siya ni Frei. Mawawala na ito sa kanya tulad ng kung paano nawala si Ruben at ang kanyang papa sa kanyang mama. Sobrang sakit pala talaga ng mabigo sa pag-ibig. She could not imagine herself crying like that. The last time she cried was when her mother died. Nothing and nobody had made her cry like that for the past years. She used to be a very strong woman but now she was helpless. And it was all because of love. Hindi niya matanggap iyon.

Hindi niya matatanggap na magmukha siyang kawawa ngayong nakatakda na siyang iwan ni Frei. Kailangan niyang i-save kahit man lang ang kanyang pride. She dialed his cell phone number. Nakailang ring muna bago nito tinanggap ang tawag.

"Vee..." he said in a groggy tone.

So it was just "Vee" now. Hindi na "baby." "Bakit hindi ka tumawag kagabi? Hindi ka rin tumawag kaninang umaga at hanggang ngayon."

"I'm sorry."

Hinintay ni Vee ang paliwanag nito pero wala nang karugtong ang paghingi nito ng paumanhin. Frei was not like that. Nang minsang hindi kaagad nakatawag ito ay sinabi kaagad nito ang dahilan kung bakit. He was talkative over the phone. Tuwing tumatawag ito ay marami itong sinasabi at ikinukuwento. Kaya lalo siyang nakatiyak na nagbago na ang damdamin nito sa kanya. And it must be because he realized he still loved Leslie. Hindi lang siguro nito alam kung paano sasabihin sa kanya ang natuklasan sa sarili.

"'Know what? I had a dream last night," panimula ni Vee.

"What is it?"

"Sa panaginip ko, nakasuot ako ng itim na damit at itim na witch hat habang nakasakay ako sa broomstick. Then I looked down and I saw you. Your feet was on the ground. You were looking up at me. And I told you, 'I'm a witch and you're human. We're not alike. Magkaiba tayo ng mundo. Hindi tayo para isa't isa.' Pagkatapos, umangat na ang broomstick ko paitaas ng langit... palayo sa iyo," pagkukuwento niya ng gawa-gawang panaginip.

Wala siyang narinig mula kay Frei. Kahit paano, umasa siyang kokontra ito sa mensaheng kalakip ng kanyang huwad na panaginip. Gusto niyang marinig na mahal siya ni Frei gaya ng palagi nitong sinasabi tuwing nag-uusap sila sa telepono. Pinigilan niya ang maiyak.

"I guess it was a premonition. Maybe the gods and goddesses of Wicca has sent me this message through a dream to serve as a warning." Kinuha ni Vee ang eksplanasyong iyon sa kanyang fantasy novels. "Kaya habang maaga pa... gusto ko nang makipaghiwalay sa iyo dahil na-realize ko na magkaiba nga talaga tayo ng mundo. Hindi tayo puwedeng magmahalan."

"Vee... You're talking absurd," mahinang sabi ni Frei.

I am making things easy for you, damn you! Abot-abot ang pagpipigil niyang mahalata sa kanyang boses na umiiyak siya. "Absurd? You call Wicca absurd? See? You don't even understand my religion. At alam kong hindi mo iyon matatanggap. So, I'm setting you free, Frei. Go and find the one whom you really belong to. Good-bye." Pagkasabi niyon ay pinutol na niya ang tawag. She burst out crying.

Tumunog ang kanyang cell phone pero hindi niya sinagot iyon. Hindi niya puwedeng sagutin ang tawag ni Frei dahil hindi na niya kayang makipag-usap pa dahil mahahalata nito ang kanyang pag-iyak. Pinatay na lang niya ang cell phone para tumigil na ang pagtunog niyon.

Hindi niya susubukang ibalik sa kanya si Frei kung sakaling tuluyan nang mawala ito sa kanya. She had to accept that it could be part of her fate.

Pagkatapos ng ilang minutong pag-iyak, tumayo siVee para humingi ng kapayapaan sa pamamagitan ng pagbanggit ng spells. She lither candles and burned leaves while reciting a spell to wash away all her painbut it did not seem to work. Hindi na gumagana sa kanya ang spells. Maybebecause she was not deeply concentrating, or perhaps the pain was too much thateven spells could not sweep it away from her heart.    

VEE, The Pretty Witch [COMPLETED] (St. Catherine University Series Book #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon