Part 11

11.3K 295 2
                                    


TULOY-TULOY ang pagta-type ni Vee sa kanyang laptop. Parang tubig na malayang dumadaloy sa kanyang isip patungo sa kanyang mga daliri ang bawat salita sa isinusulat niyang manuscript. Iyon ang pang-apat na installment para sa fantasy novels na kanyang isinusulat.

The World of Mystic. Iyon ang pamagat ng kanyang book series. It was about the adventures of a group of good supernatural creatures. Each of them possessed unique magical powers. The books narrated not only about their frequent battle against evil forces, but also about their personal struggles in life as supernatural creatures who were trying to live as normal people.

The series was led by Kisha, a white witch who was chosen by destiny to protect the world of mortals against evil beings. She had a romantic involvement with Tod, a mortal. Tod was not aware of Kisha's mystical persona at the first three parts of the series. Other lead characters were Lyka, a psychic with a gift in mental telepathy, telekinesis, and premonitions; Pitt, a good warlock and Kisha's brother; Ada, a good sorceress who made potions as their weapons against dark enemies; Leon, a wizard with a powerful magical wand; and Dane, a shaman who could summon spirits to fight for him, heal sickness, and sense omens. The book was written in English and her pen name was Hera Lou.

Noong lumabas ang una niyang libro ay naging instant best seller iyon. Kaya naman hiningi pa ng kanyang publisher ang mga kasunod. Maraming readers ang sumusulat sa kanya at pinupuri ang kanyang mga libro. Marami na siyang tagahanga. Sold-out parati ang first batch printing ng kanyang libro kaya nakakadalawa o tatlong beses na reprint ang kanyang mga libro.

Ang sabi ng kanyang publisher na si Mr. Cruz at ng mga tagasubaybay niya, world-class daw ang kanyang mga libro. As a matter of fact, iniisip na ng publisher na i-export ang series sa ibang bansa. Maaari daw ihanay iyon sa Harry Potter series at Lord of the Rings trilogy. Ang sabi pa ni Mr. Cruz, hindi raw malayo na maisapelikula rin ang kanyang mga libro balang-araw.

Modesty aside, writing the story was effortless for her. Bata pa lang kasi si Vee ay mahilig na siyang magbasa ng mga libro at manood ng mga palabas tungkol sa supernatural creatures. Mahilig din siyang mag-imagine ng mga eksena tungkol doon kaya nang lumaki siya, isinalin niya sa papel ang lahat ng mga nalalaman at nililikha ng sariling isip tungkol sa supernatural world.

Ang pagsulat ng libro ang ikinabubuhay ni Vee. Mag-isa lang siyang nakatira sa bahay na ibinigay sa kanya ng kanyang Tita Raquel nang isama siya sa Davao. Ibinigay nito ang bahay na iyon sa kanya dahil nararapat lang daw na mapunta sa kanya ang dapat ay sa kanyang nanay. Hinayaan siya ni Tita Raquel na mabuhay sa kanyang sarili tulad ng hiniling niya rito noon. Nineteen years old na siya noon at hindi na menor-de-edad kaya pumayag ang kanyang tiyahin na mag-isa siya sa bahay na iyon. Gayunman, sustentado siya ni Tita Raquel. Ang perang ibinibigay nito sa kanya ay para daw talaga sa kanya bilang anak ng namatay nitong kapatid.

The house was not as big as their ancestral house in Sarangani but it had a very huge backyard. Mas gusto niya iyon kaysa sa mansiyon dahil tahimik ang lugar na kinatatayuan ng bahay na iyon sa isang baryo sa munisipalidad ng Malalag. Isa pa, may sariling pamilya ang kanyang tiyahin at ayaw niyang maramdamang saling-pusa lang siya sa bahay nito.

Pagkatapos i-save ang isinusulat, pansamantalang iniwan ni Vee ang ginagawa para bumaba at magluto ng kanyang kakainin para sa hapunan. She used to have a maid. Uwian ang kanyang maid dahil malapit lang ang bahay nito. Wala kasi siyang oras para sa mga gawaing-bahay dahil busy siya sa pagtatrabaho. Kaya lang, umalis na ang katulong niya noong isang linggo at hindi na raw babalik pa dahil nakahanap daw ng trabaho bilang factory worker sa siyudad. Kaya naman puro alikabok at magulo na ang bahay. Nakatambak ang kanyang labada. Mauubos na rin ang kanyang grocery items at stock ng pagkain sa refrigerator. Kailangan na niya ng bagong katulong.

Hindi pa niya nasasabi sa kanyang tiyahin ang tungkol sa paghahanap ng bagong maid dahil lumuwas ito sa Maynila. Nanganak kasi ang anak ni Tita Raquel na nakatira na sa Maynila. Three weeks na itong wala sa Davao. Hihintayin na lang niya ang pagbabalik nito para masabi niya ang problema. Hahayaan niyang si Tita Raquel ang maghanap ng maid para sa kanya. Mahirap kasing basta-basta na lang kumuha ng maid. Mahirap magtiwala sa taong hindi niya kilala. Wala siyang kakilala sa Malalag kahit halos dalawang taon na siyang nakatira doon.

Walang binago ang ilang taong lumipas. Hindi pa rin siya nakikihalubilo at nakikipaglapit sa mga tao kahit sa halos liblib na lugar na iyon sa Malalag. In fact, walang nakakaalam na siya si Hera Lou. She still practiced spellcraft. Kontento na siya sa ganoong buhay—tahimik at walang umiistorbo sa kanyang katahimikan. And she wanted to keep it that way.

VEE, The Pretty Witch [COMPLETED] (St. Catherine University Series Book #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon