MABIGAT ang dibdib ni Vee pero alam niyang wala siyang dapat ikalungkot. Alam niyang babalik si Frei kahit uuwi ito sa Maynila at mananatili roon ng isang linggo. Kailangan na kasi nitong bumalik sa trabaho dahil pinagalitan na ito sa telepono ng ama nito na director pala sa kompanyang pinagtatrabahuhan ng binata. Natambak ang trabaho ni Frei nang mawala ito ng halos dalawang buwan. Kahit may reliever ito, may mga bagay na dapat daw na ito ang umayos.
Napag-usapan nila na babalik si Frei at sa pagbalik ay susunduin na siya nito. Babalik na siya sa Maynila. Doon na siya titira para hindi na sila malayo sa isa't isa. Gusto nito na sumama siya sa pag-uwi nito sa Maynila pero hindi naman puwedeng basta-basta siya umalis. Kailangan niyang personal na mag-abiso sa kanyang Tita Racquel. Darating na ang kanyang tiyahin sa makalawa kaya nagdesisyon siyang paunahin na lang muna si Frei.
"Mami-miss kita," he said. There was sadness in his eyes. Nasa airport sila. Inihatid niya roon ang binata.
Ngumiti si Vee kahit nalulungkot din siya dahil hindi niya makikita ito ng isang linggo. Nasanay na siya na araw-araw ay nakikita niya ito, mula sa paggising hanggang sa kanyang pagtulog. "Para kang sira. One week lang naman tayong hindi magkikita."
"Take care of yourself, okay? Wala ako para alagaan ka."
She giggled. "Bakasyon muna ang babysitter ko."
"Lagi kitang tatawagan."
"Hindi kita tatawagan kasi baka makaabala ako sa iyo. Baka maging sobrang busy ka dahil ang tagal mong nawala sa trabaho. Basta ako, anytime, puwede mo akong tawagan."
Kinabig siya ni Frei at mahigpit na niyakap. She hugged him back.
"I love you," he whispered in her ear.
"I love you, too."
He kissed her. The kiss took longer than she had expected. Inawat na niya ang binata.
"This is a public place!" she hissed.
"I don't care. Hindi ako makakahalik sa iyo nang one week kaya magbabaon ako nang marami."
"Sira ka talaga!" natatawang sabi niya.
Muli siyang hinalikan ni Frei. Nagpaalam na ito pero bumalik para halikan uli siya. Dalawang beses nitong ginawa iyon.
"Ano ba? Mahiya ka nga," saway niya sa binata pero nag-e-enjoy naman siya sa ginagawa nito.
Kinintalan ni Frei ng halik ang kanyang mga labi at pagkatapos ay pumasok na sa passenger's area. Ilang minuto pa lang ang nakalipas nang tumunog ang cell phone niya. Frei was calling.
"Hello, baby. I miss you."
Humagikgik si Vee. "Sira ka talaga!"
"Ilang minutes pa lang tayong nagkakalayo, missed na missed na agad kita."
"Basta tumawag ka lang kapag free ka, ha. I love you. I'll be waiting for you."
BINABASA MO ANG
VEE, The Pretty Witch [COMPLETED] (St. Catherine University Series Book #2)
RomanceVee was fascinated about witchcraft kaya inakala ng iba na isa siyang mangkukulam. Nobody had the nerve to mess up with her. Except her naughty, playful schoolmate Frei. *This novel and the rest of the SCU series are already available in print...