Part 10

11.3K 309 3
                                    


Four years later

Muling sinalinan ni Frei ng alak ang baso niya at nilagok iyon.

"Tama na nga iyan, Frei. Lasing ka na, eh," saway ni Jacob sa kanya. Pinapunta niya ang kaibigan sa kanyang bachelor's pad dahil gusto niya ng drinking buddy.

"Hindi ako lasing." Muli siyang lumagok ng alak. Nagpakawala siya ng buntong-hininga.

"Si Leslie pa rin ba? Hindi mo pa rin matanggap na iniwan ka niya?"

Leslie was his girlfriend for a year. They were about to get married but she dumped him without any reason at all.

"It had been two months, pare. Hindi ka na dapat nagngingitngit diyan. Hindi bagay sa iyo. Maraming babaeng nagkakandarapa sa iyo, 'di ba? Kalimutan mo na si Leslie." Uminom din ito ng alak.

"Hindi naman iyon ang ipinagngingitngit ko ngayon, pare, eh. Although, nasaktan talaga ako sa ginawa ni Leslie, I still love her. Gusto ko pa rin siyang bumalik sa akin. Pero hindi siya ang dahilan kung bakit masama ang loob ko ngayon."

"Then what? Ano'ng problema mo?"

"Haven't you noticed, pare? I'd been dumped thrice already by different women. Hindi ako makapaniwalang nangyari sa akin 'yon." Bago si Leslie, dalawang babae na ang nanakit sa kanya.

"Sina Aira at Libeth?"

"Yeah. They dumped me." He grinned mirthlessly.

"Pero bale-wala naman sa iyo iyon, 'di ba? Hindi mo naman talaga sila minahal."

"Hindi totoo 'yan, ah! Minahal ko sila. The fact na ginawa ko silang official girlfriend ko, ibig sabihin, seryoso ako sa kanila. Pero hindi iyon ang issue. The issue is, they all left me. Nasaktan ako nang iwan nila ako. Tatlong beses na sunod-sunod na akong iniiwan at sinasaktan ng mga babae. Don't you think that's weird?"

Tumango-tango si Jacob. "Weird nga. Noong nasa college tayo, ikaw ang nanda-dump sa mga nagiging girlfriend mo. Hindi kaya kina-karma ka na sa pagiging babaero mo noon?"

"Sira! Kung merong maka-karma, ikaw iyon dahil mas hustler ka sa babae kaysa sa akin."

Ngumisi lang si Jacob.

"Imagine, I've been dumped. Not once, not even twice but thrice! Hindi bagay sa isang tulad kong heartthrob. This is ruthless."

"You've been dumped thrice pero parang hindi natinag n'on ang kayabangan mo," natatawang sabi ni Jacob.

"Nakakapagtaka ito, pare. Hindi na normal. Something is definitely wrong. I felt as if I'd been cursed or something."

Nabura ang ngisi ng kanyang kaibigan. "Cursed?"

"Yeah. It was too bad to be true. Kahit kailan, hindi ko naisip na iiwan at masasaktan ako nang ganoon ng mga babaeng minahal ko. Kaya pakiramdam ko, para akong isinumpa." Muli siyang nagsalin ng alak. This time, itinuloy-tuloy niya ang paglagok hanggang ma-bottoms up niya iyon. Nakaramdam siya ng pagkahilo. "I'm afraid that if I fall in love again, iiwan uli ako ng babaeng iyon."

"Iyon ba ang dahilan kung bakit lately, parang umiiwas ka sa babae?"

"Yeah." Sinapo ni Frei ang kanyang ulo. Sumasakit na iyon.

Wala na siyang narinig mula kay Jacob. Nang sulyapan niya ang kaibigan, mukhang may iniisip ito.

"What are you thinking?"

Mula sa pagtitig sa baso ng alak na hawak ni Jacob, inilipat nito ang tingin sa kanya. "You said you felt as if you've been cursed."

"Yeah. Napakaimposible kasi ng mga nangyayari sa akin."

"Ilan na ang naging girlfriend mo since we graduated from college?"

"Official lang o kasama ang mga flings?"

Ngumisi ito. "'Yong mga minahal mo lang."

"Three."

"And that's Aira, Libeth, and Leslie, right? At lahat sila, iniwan ka."

Tumango si Frei. Sinapo niya ang ulo dahil hilong-hilo siya.

"Hindi kaya... totoo ngang isinumpa ka?"

"At sino naman ang susumpa sa akin?"

"Do you still remember Vee?"

Parang biglang naglaho ang pagkahilo ni Frei sa narinig. "Si Vee!" nanlalaki ang mga matang bulalas niya.

"'Yong witch na hinawakan mo ang boobs. Galit na galit sa iyo iyon, 'di ba? At saka pinagbantaan ka niya sa cafeteria four years ago na kapag hindi ka pa tumigil sa panggugulo sa kanya, kukulamin ka niya. 'Tapos, 'yong nangyari sa bahay nina Jerry. Hindi kaya..." Sadyang ibinitin ni Jacob ang sinasabi.

Pabagsak na inilapag ni Frei sa bar counter ang basong hawak. "Tama! Malamang na isinumpa niya ako, pare. Siya ang may kagagawan ng nangyayari sa akin ngayon," pagko-conclude niya.

"Kung siya nga ang may kagagawan sa nangyayari sa iyo, ibig sabihin, iiwan ka uli ng susunod na babaeng mamahalin mo. Magiging cycle ang lahat. Kapag nagkataon, magiging sawi ka sa pag-ibig habang-buhay, pare."

"No way!" matigas na tutol ni Frei. "Hindi ako papayag na paglaruan ng babaeng iyon ang buhay ko. I need to talk to that witch."

"Saan mo naman siya pupuntahan? She's gone, pare. Simula nang umalis siya sa SCU noon, hindi na natin siya nakita."

"Kailangan kong mahanap ang babaeng iyon. Hindi ako titigil hangga't hindi ko siya nakakausap."

VEE, The Pretty Witch [COMPLETED] (St. Catherine University Series Book #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon