Part 21

10.3K 294 16
                                    


"Nasaan na ang notebook ko?"

Kinabahan si Frei sa tanong ni Vee nang pagbuksan niya ng pinto ang dalaga. Nandidilat ang mga mata nito. Parang galit na galit. Nakalimutan niyang ibalik sa kuwarto ni Vee ang notebook na kanyang kinuha. "Anong notebook?" pagmamaang-maangan niya

"Kinuha mo ang notebook ko!"

"W-wala akong kinukuhang notebook." Kapag inamin niya, baka bigla na lang siyang gawing ipis nito at apakan nang mariin. "You must have misplaced it."

Naningkit ang mga mata ni Vee. "Nagmamaang-maangan ka pa! Nakita ko sa kawa ng kumukulong tubig na pumasok ka sa kuwarto ko at kinuha mo ang notebook ko!"

Natameme si Frei. May kapangyarihan din pala ang mga witch na makita ang isang pangyayari kahit wala ito roon. Sa madaling salita, buking siya. Nagpaawa siya. "Sorry na, Vee. Wala naman akong masamang intensiyon. Kinuha ko lang iyon pero hindi ko naman balak angkinin. Ibabalik ko naman. Gusto ko lang sanang matuto ng witchcraft kaya ko—"

Mukhang lalong nagalit ang dalaga. "I told you not to enter my room, didn't I?"

"Natukso lang ako. Sorry na. Huwag ka nang magalit. Wala naman akong nakita, eh."

"Ang pinakaayoko sa lahat, 'yong hindi marunong sumunod sa napag-usapan at nangunguha ng gamit na hindi sa kanya. Ginalit mo ako sa ginawa mo. Hindi ka mapagkakatiwalaan. Nang dahil sa ginawa mo, parurusahan kita."

Ngumiwi si Frei. "Huwag po! Huwag mo akong gawing hayop o insekto. Maawa ka."

"Another week."

"Huh?"

"You're supposed to finish your job here the day after tomorrow. Pero dahil ginalit mo ako, you're going to stay here for another week."

Another week in that house? Ang saya-saya pa naman niya kaninang umaga dahil naisip niyang dalawang araw na lang at makakauwi na siya at maaalis na ang sumpa sa kanya.

"Would you rather be a cockroach than stay here for another week?"

Cockcroach? Witches could read minds, too? "I'll stay for another week."

"Akina ang notebook ko."

Mabilis siyang kumilos para ibigay ang notebook ni Vee.

"Huwag na huwag ka na uling papasok sa kuwarto ko. Naiintindihan mo ba? Kapag pumasok ka uli, hindi lang iyan ang parusang ibibigay ko sa iyo," mariing banta nito at saka tumalikod.

"Wait! Ano nga pala 'yong sasabihin mo sa akin? Sabi mo kanina, may sasabihin ka sa akin." Kanina nang hatiran niya ng merienda si Vee, sinabi nito na mag-uusap sila mamaya. May sasabihin daw ito.

"Wala na akong sasabihin."

Pabagsak na umupo sa kama si Frei. Medyo nasaktan pa ang puwit niya dahil hindi gaanong malambot ang kutson doon. Mukhang sunod-sunod talaga ang kanyang kamalasan. Kanina, parang biglang bumait si Vee. Hindi siya pinagalitan nito nang makabasag siya ng baso na kanyang ipinagtaka. Nag-"please" pa nga ang dalaga nang utusan siya na hindi nito ginagawa noon. Ang akala niya, magtutuloy-tuloy na ang magandang trato nito sa kanya. Kung bakit kasi nakalimutan niyang ibalik ang notebook nito. Hindi sana ito nagalit sa kanya. He groaned in frustration.

Tumunog ang cell phone ni Frei. Nakita niyang si Jacob ang kanyang caller. Ikinuwento niya sa kaibigan ang nangyari. He had been updating him about his plight with the witch since day one.

"Alam mo, pare, kung naniniwala kang hindi nga talaga totally masamang witch si Vee at may soft side din siya, may strategy na puwedeng mag-work sa iyo para mapaamo siya at mapabilis ang pag-alis mo riyan."

"At ano naman iyon?"

"Magpakabait ka. Be nice to her. Stop teasing her. Avoid doing things that you know would irritate her. Bolahin mo siya, in a way na hindi obvious. Magpakitang-gilas ka. Be a friend to her at magpakita ka ng concern sa kanya. Alam kong hindi siya madaling paamuin. Lalo at galit siya sa iyo dahil sa naging atraso mo sa kanya noon. Kaya gandahan mo ang arte mo, ha. Huwag iyong obvious na kinukuha mo lang ang loob niya. Maybe in three days, makukuha mo na ang loob niya. May possibility rin na maawa siya sa iyo at hindi na niya tapusin ang trabahong ibinigay niya sa iyo."

Tumango-tango si Frei. "Ah, Jacob, pare... Paano na lang ang buhay ko kung wala ka? Bakit hindi ka na lang magsulat sa magazine? Doon sa column na 'How To blah-blah...' Ang dami mong alam na strategies." Naalala niya na si Jacob din ang nagbigay ng suggestion kay Owen noon kung paano mapapabalik ang ex-girlfriend nito.

Tumawa si Jacob. "Just try to use your head more often than your dick, pare." 

VEE, The Pretty Witch [COMPLETED] (St. Catherine University Series Book #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon