Part 15

10.1K 267 0
                                    


"WITCH!" mahinang asik ni Frei sa labas ng pinto ni Vee.

Nasayang lang ang iniluhod niya sa babaeng iyon. Ilang "please" at "sorry" ang sinabi niya pero bale-wala lang ang mga iyon dito. Kunsabagay, ano ba ang dapat niyang asahan sa isang alagad ng dilim na tulad ni Vee? Nagawa nga nitong isumpa siya nang ganoon kabigat kahit napakaliit lang ng kasalanan niya. Kaya malabo na madaan ito sa pakiusapan at pagmamakaawa.

Bumalik siya sa mesa sa porch at umupo. Tinapunan niya ng tingin ang kanyang traveling bag. Hindi siya maaaring umalis doon hangga't hindi binabawi ni Vee ang kulam sa kanya. Kung kinakailangang doon siya matulog sa porch para araw-araw siyang humingi ng tawad dito, gagawin niya.

Hinintay niyang lumabas si Vee pero hanggang sa gumabi na, hindi pa rin lumalabas ang dalaga. Wala bang trabaho ito? Ano kaya ang ginagawa nito sa loob ng bahay? Hindi kaya nasa madilim na silid ito at nagsisindi na naman ng mga kandilang may iba't ibang kulay? Baka nagre-recite na naman ito ng incantation o tumatawag ng black spirits at iba pang mga kampon ng kadiliman. He cringed.

Kung sana kasimbait lang ito ni Kisha, madali lang siguro ang makiusap dito. Pero bad witch si Vee. Parang si Lirah, ang ugly, fat black witch sa libro at mortal na kaaway ni Kisha sa book one. Iyon nga lang, hindi kamukha ni Lirah si Vee. Mas kamukha ng huli si Kisha. Vee was prettier than she was before. Ang kaso, masama ito. Inamin mismo ni Vee na ito nga ang may kagagawan ng kamalasang nangyayari sa kanya.

Naisip ni Frei ang librong hindi niya natapos basahin nang mag-land ang eroplanong sinasakyan. Binalikan na lang niya ang pagbabasa niyon gamit ang flashlight na dala dahil walang sindi ang ilaw sa porch.

Habang nagbabasa ng libro ay may naisip siyang ideya. Kung hihingi siya ng tawad nang paulit-ulit at magmamakaawa kay Vee, baka makulitan lang ito sa kanya at lalo lang itong magalit. Mas maganda siguro kung makikipag-bargain na lang siya sa dalaga. 

VEE, The Pretty Witch [COMPLETED] (St. Catherine University Series Book #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon