Part 14

11.4K 289 10
                                    


NAHINTO sa pagtipa sa keyboard si Vee nang may marinig na mga katok. Malamang na ang tiyahin na niya iyon. Mabuti na lang at bumalik na ito galing sa Maynila. Masasabi na niya ang kanyang problema. Hindi kasi niya gaanong maasikaso ang mga gawaing-bahay dahil kapag engrossed siya sa pagsusulat, hindi niya magawang bitiwan iyon dahil masisira ang kanyang mood sa pagsusulat.

Marumi na ang kanyang bahay dahil wala siyang oras para maglinis. Minsan nga, kapag hindi talaga niya maiwan ang trabaho, hindi na rin siya kumakain huwag lang maputol ang concentration niya sa ginagawa.

Tumayo si Vee at bumaba para pagbuksan ito ng pinto. Nagtaka siya sa sunod-sunod at malalakas na katok na parang gusto nang gibain ang kanyang pinto. Nang buksan niya ang pinto, hindi ang kanyang Tita Raquel ang naroon. Isang guwapo at matangkad na lalaki iyon na mukhang bahagyang namangha nang makita siya.

He looked familiar. Tinitigan ni Vee ang mukha ng lalaki. Bahagyang nanlaki ang kanyang mga mata nang makilala kung sino ito. It had been four years but she could never forget that face. Ito ang pinakamakulit, pinakamapang-asar at pinakabastos na lalaking nakilala niya sa buong buhay niya. Hindi niya akalaing makikita uli niya ito. The least she had expected was to see him in her doorstep.

"Vee..." sambit ni Frei. Hindi ito kumukurap habang nakatitig sa kanyang mukha.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" sita niya kay Frei nang makabawi sa pagkabigla.

"Vee, ikaw nga!" parang hindi pa rin makapaniwalang sabi nito. Ngumiti ito nang maluwang. He looked relieved. "Thank God I've finally found you."

"What are you talking about? Bakit ka nandito? Ano'ng kailangan mo sa akin?"

"'Buti naaalala mo pa ako. Nahirapan akong hanapin ka. Akala ko, hindi na kita makikita. I need to talk to you, Vee."

"You mean, you came all the way here para lang makausap ako? What for? At saka paano mo ako nahanap?" malamig na tanong niya.

"Yes, I came all the way here to talk to you. Will you let me come in?" Tiningnan nito ang loob ng kanyang bahay.

"No," mariing tugon niya.

"Please, Vee. I really need to talk to you," pakiusap ni Frei.

"I don't entertain guests inside my house. At kung hindi mo sasabihin kung ano'ng pakay mo, mabuti pang umalis ka na dahil nakakaistorbo ka." Umakto siyang isasara na uli ang pinto pero pinigil nito ng kamay iyon.

"Importante ang sadya ko."

Kumunot ang noo ni Vee. Na-curious siya sa gustong sabihin ni Frei. Hindi naman siguro ito mag-aaksaya ng panahon na puntahan pa siya roon kung hindi importante ang sadya nito. "Ano 'yon?"

Tinapunan ng tingin ni Frei ang mesa at mga silyang yari sa kahoy na nasa porch. "Can we at least sit there?"

Nagdalawang-isip si Vee kung pagbibigyan ang lalaki. She did not want to talk to him. Hindi pa rin niya nakakalimutan ang kasalanan nito sa kanya at ang pambubuwisit nito sa kanya noon. Hindi pa rin niya napapatawad si Frei sa kapangahasang ginawa nito sa kanya isang gabi sa mismong silid niya.

"Please, Vee. This is a matter of life and death."

A matter of life and death? Ganoon kaseryoso ang pakay nito? Napilitan siyang umupo. "Now, what? Sabihin mo na kung ano'ng kailangan mo."

Tumikhim muna si Frei bago muling nagsalita. "Well... gusto ko sanang makiusap sa iyo. Please, Vee, bawiin mo na iyong sumpa na ginawa mo sa akin."

"Huh?"

"Bawiin mo na iyong sumpa na ibinigay mo sa akin. Parang awa mo na."

"Sumpa? Ano ba'ng pinagsasasabi mo?"

VEE, The Pretty Witch [COMPLETED] (St. Catherine University Series Book #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon