Part 16

10.2K 294 5
                                    


Namangha si Vee nang makita si Frei na natutulog sa rocking chair sa porch paglabas niya ng bahay. Nakakumot sa pang-itaas na bahagi ng katawan nito ang isang malaking jacket. Bubulyawan sana niya ang binata para gisingin pero natigilan siya nang makita ang itim na librong nakataob sa kandungan nito. Pamilyar sa kanya ang cover niyon.

Dinampot niya iyon at nakumpirmang iyon ang kanyang libro. Kumunot ang noo niya. Nagbabasa si Frei ng libro niya? Of course, he did not know she was the author of that book. Kung ang ama nga niya na tumatawag sa kanyang cell phone once a month ay hindi alam na siya si Hera Lou, si Frei pa kaya? What really surprised her was the fact that Frei read books like that. And the funny thing was he even carried that book to Davao. Why?

Nang buksan ni Vee ang libro, nabasa niya ang nakasulat sa isang sticker na nakadikit sa bandang itaas ng likod ng cover.

Property of Shane Marie E. Marasigan.

Nakasulat pa roon ang eksaktong address nito. Who was Shane? Makulay ang sticker kaya naisip niyang bata pa ang may-ari ng libro.

Nang ibalik niya ang libro sa kandungan ni Frei ay kumilos ito. Dumilat ito at biglang tumayo nang makita siya. "Vee!"

"Ano pa'ng ginagawa mo rito? Bakit dito ka natulog? I told you to go away."

"Hinintay kasi kitang lumabas uli, eh. Hindi ka naman lumabas kaya nakatulog na ako rito sa paghihintay."

"Umalis ka na. Bago pa ako magalit nang sobra at gawin kitang kuneho."

"Huwag naman, Vee. Hindi ako uuwi sa Manila hangga't hindi mo ako napapatawad at binabawi ang sumpa mo sa akin."

"Eh, di huwag kang umuwi. Pero huwag ka rito sa bahay ko dahil hindi ka welcome dito. Kapag bumalik ako at nariyan ka pa rin, talagang malilintikan ka na sa akin," pananakot pa niya bago humakbang palayo kay Frei.

"Gusto kong makipag-bargain sa iyo," pahabol na sabi nito.

Niligon niya ang binata. Lumapit ito sa kanya. "Bargain?"

"Yeah. Magkano ba ang bayad sa pagbawi mo sa sumpang ibinigay mo sa akin?"

Lalong naningkit ang singkit na niyang mga mata. "Babayaran mo ako?"

"Yeah. Magkano? One million? Two million?"

"Ano'ng akala mo sa akin, mukhang pera? Hindi ko kailangan ng pera mo."

"Kung ayaw mo ng pera, iba na lang. Service na lang."

"Service?"

Tumango ito. "Halimbawa, taga-massage ng mga balikat mo. kahit full-body massage, kaya kong gawin," pilyong sabi nito.

Pinandilatan niya si Frei. "Niloloko mo ba ako?"

"Hindi. Halimbawa lang naman iyon. Bahala ka kung ano'ng gusto mong ipagawa sa akin in exchange of what I need from you. Kahit ano'ng ipagawa mo, gagawin ko."

Mukhang desperado na si Frei. Parang gusto na niyang aminin na niloloko lang niya ito. Kaya lang, alam niyang hindi siya paniniwalaan ng binata. Buo na sa isip nitong isa siyang totoong witch at isinumpa niya ito. Tutal mapilit si Frei, pagbibigyan niya ito. Para na rin maturuan niya ito ng leksiyon at makabawi sa mga atraso nito sa kanya noon. Tamang-tama ang timing nito dahil nangangailangan siya ng katulong.

"Makipag-trade ka na lang sa akin. Please."

Umakto siyang kunwari ay nag-iisip. Ilang sandali muna ang lumipas bago uli siya nagsalita. "Sige. Makikipag-trade ako sa iyo."

Nagliwanag ang mukha ni Frei. "Talaga? Yes!" parang nanalo ng jackpot na bulalas nito. "Thanks, Vee! Ano'ng gusto mong gawin ko?"

"Do you know how to cook?"

"Yes! I know how to cook. I live on my own kaya natutuhan kong magluto. Gusto mong ipagluto kita? 'Yon lang pala, eh. Sisiw lang sa akin iyon."

"Be my servant for a week."

Manghang napatingin ito sa kanya. "Servant?"

"Yes. Umalis ang maid ko. Kaya ikaw muna ang pumalit." A few more days, pamamahayan na ng ahas ang bakuran niya, pamamahayan ng mga gagamba ang kanyang bahay, at magiging gabundok na ang mga labahin. Hindi niya maharap ang mga gawaing-bahay dahil nira-rush niya ang pagsusulat ng fourth book ng kanyang series. Kaya kailangan na talaga niya ng katulong. Tutal mukhang hindi siya titigilan ni Frei, pakikinabangan na lang niya ang kakulitan nito.

Hindi umimik ang binata. Halatang tutol sa gusto niyang ipagawa.

"Ayaw mo?"

"Mukha ba akong maid? Sa guwapo kong ito, gagawin mo akong maid? Hindi naman yata makatarungan iyon."

Napakayabang talaga ng walanghiya!

"Puwede bang iba na lang?" hiling pa nito.

"Take it or leave it. Kung ayaw mo, di huwag. Hindi kita pinipilit." Umakma uli siyang iiwan ito.

"Sige na! Pumapayag na ako," habol nito.

She smiled wickedly. 

VEE, The Pretty Witch [COMPLETED] (St. Catherine University Series Book #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon