"Hi!"
Marahas ang ginawang pagbaling ni Vee sa bumati at umagapay sa kanya sa paglalakad sa corridor. Hindi nga siya nagkamali. It was Frei again. Ito ang mayabang na tumawag sa kanya ng "autistic." Hindi siya nagagalit tuwing tinatawag siyang "mangkukulam" pero ang tawaging "autistic," hindi niya kailanman matatanggap. Kaya inis na inis siya kay Frei. Kaya kahit ano pa ang gawing pagpapapansin sa kanya ni Frei ay hindi niya pinapansin.
Mahigit dalawang linggo na yata siyang ginugulo ni Frei. Ito lang ang naglakas-loob na kausapin at sundan-sundan siya para magpapansin sa kanya. Lahat ng kanyang schoolmates ay ilag sa kanya mula nang kumalat ang balitang isa siyang mangkukulam. Kilala niya kung sino ang nagpakalat niyon—ang kapatid ng kaibigan ni Wendy na si Bev na nag-aaral din sa SCU.
Wendy used to call her a witch. Nang lihim daw kasi itong pumasok sa kanyang kuwarto, nakita nito na puno ang kanyang shelf ng fictional books tungkol sa witches at iba pang supernatural creatures. Nakita rin ni Wendy ang instructional book of spells na pag-aari ng kanyang nanay at mga kandilang iba't iba ang kulay, at iba pang mga bagay na kanyang ginagamit sa spellcraft. Sinabi ni Wendy sa mga kaibigan nito ang tungkol doon. Binantaan pa nga siya nito at ng kapatid nitong si Yanda. Kapag daw may nangyaring masama sa mga ito at sa mama ng mga ito, siya raw ang may kasalanan dahil isa siyang witch. Kaya huwag na huwag daw siyang magkakamaling kulamin ang mga ito.
Hindi inakala ni Vee na magiging popular siya sa buong SCU dahil sa pagkakalat ni Bev na isa siyang witch. Kaya raw pala siya palaging nakaitim at palaging nag-iisa ay dahil isa siyang mangkukulam.
Aminado naman si Vee na para na rin siyang isang witch dahil nagpa-practice siya ng spellcraft pero hindi sa paraang iniisip ng mga ito. Pero wala siyang balak magpaliwanag sa kanyang mga schoolmate tungkol sa kanyang pagkatao. Hinayaan na lang niya ang tsismis na iyon. Tutal naman, napapakinabangan niya iyon. It shunned away unwanted people around.
Advantage para sa kanya na kinatatakutan siya sa campus dahil sadyang ayaw niyang makihalubilo sa mga tao. Nobody seemed to have the nerve to mess up with her. Wala na ring lalaking nagpakita ng interes sa kanya mula nang pumutok ang tsismis na isa siyang mangkukulam. Takot na makulam ang mga ito.
Pero hindi pala lahat ng tao sa campus ay takot na makulam. Katulad na lang ni Frei. The way she saw it, Frei was not scared of her image as a witch. In fact, kung kausapin siya ng binata ay parang close sila. Kahit hindi niya pinapansin si Frei, hindi pa rin ito tumitigil sa pagbuntot-buntot sa kanya. Gaya na lang ngayon.
Ngumiti sa kanya si Frei. "Saan ka pupunta?"
Usually, kapag nagtatanong ito ng ganoon ay hindi sumasagot si Vee. Kunwari wala siyang naririnig. Pero panahon na siguro para matigil na ang pangungulit nito sa kanya. "Sa impiyerno. Sasama ka?"
"Whew! Oo ba! Basta kasama kita, kahit saan mo ako dalhin, sasama ako." Kumindat pa ito sa kanya.
Pasalamat si Frei at wala siyang magical powers. Kung mayroon lang, lumipad na sa mukha nito ang basketball na pinaglalaruan nito sa mga kamay. Hindi lang siguro iyon ang gagawin niya sa binata kapag nagkataon. Habang naglalaro ito ng basketball bilang player ng varsity team, pamimintisin niya ang mga tira nito para mawala ang kayabangan. Mukhang magiging bad witch siya dahil kay Frei.
"Seryoso ka? Sasama ka talaga?" nakataas ang isang kilay na tanong ni Vee.
"Oo nga. Ayaw mong maniwala. Tara, punta na tayo roon ngayon."
Sa gulat ni Vee, hinagip ni Frei ang kanyang palapulsuhan at hinila siya palakad. Marahas niyang binawi ang braso mula sa binata. Napakalakas ng loob nitong hawakan siya!
BINABASA MO ANG
VEE, The Pretty Witch [COMPLETED] (St. Catherine University Series Book #2)
RomanceVee was fascinated about witchcraft kaya inakala ng iba na isa siyang mangkukulam. Nobody had the nerve to mess up with her. Except her naughty, playful schoolmate Frei. *This novel and the rest of the SCU series are already available in print...