Part 23

10.3K 283 1
                                    


TUMIGIL si Vee sa pagtipa sa keyboard. Naroon na siya sa parte ng istorya na nagpo-focus sa love story nina Kisha at Tod. Iyon kasi ang suggestion ng kanyang publisher. Gusto nito na sa pang-apat na libro ay magkaroon ng bahagi tungkol sa umuusbong na pag-ibig sa pagitan ng mga bida.

Ginawa lang niya ang romantic connection na iyon sa pagitan nina Kisha at Tod dahil alam niyang iyon ang gusto ng mga mambabasa. Aside from mystery, adventure, and action, kailangang mayroon ding kaunting love story, humor, at drama para maging exciting ang takbo ng story.

Mas mahirap para sa kanyang isulat ang bahaging iyon kaysa sa ibang mga eksena sa kanyang book series. That was why she kept Kisha and Tod's love story to a minimal exposure. Hindi pa kasi siya nai-in love at wala siyang interes sa pag-ibig. Hindi niya kayang isulat ang isang bagay na wala siyang kaalaman.

Weird pero mas maalam pa siya sa mga bagay na walang katotohanan kaysa sa isang bagay na talagang nag-e-exist sa mundo—ang pag-ibig.

Ang alam lang ni Vee, destructive ang pag-ibig. Her mother ran away from home and forgot about her family because of love. Ruben killed himself because of love. Her father did not marry her mother because he was in love with someone else. Her mother had lived a solitary life because love had deserted her twice.

Si Frei ay tatlong beses nang iniwan ng mga babaeng minahal nito. Nagpapaalipin sa kanya ang binata dahil gustong maalis ang sumpang pinaniniwalaan nitong ginawa niya para bumalik na ang ex-fiancée nito. Pag-ibig pa rin ang dahilan ng lahat ng iyon.

Muli ay nakaramdam siya ng guilt para kay Frei. Hindi niya dapat pinaniwala ito na may binitiwan nga siyang sumpa kaya ito tatlong beses na nabigo sa pag-ibig. Pero tuwing naiisip niya iyon, naaalala niya ang naging kasalanan nito sa kanya noon. Nararapat lang itong turuan ng leksiyon. But maybe that was enough. Bukas ay kakausapin na talaga niya ito at sasabihin na ang katotohanan.

Bumaba si Vee sa kusina para uminom ng tubig. Hindi na niya pinagkaabalahang patungan ng roba ang suot na black silk nightgown dahil alam niyang tulog na si Frei. Maaga itong natutulog. Usually, bumababa talaga siya tuwing alas-dos ng madaling-araw at kahit minsan ay hindi niya nakita sa ibaba ang binata.

Kaya naman ganoon na lang ang gulat niya nang pumasok sa kusina si Frei habang umiinom siya ng tubig. Wala itong suot na pang-itaas at naka-boxer shorts lang. Naalala niya ang eksena sa kanyang silid four years ago. Natatandaan niya na pinasadahan niya ng tingin ang katawan ni Frei. Maganda na ang pangangatawan nito noon pero mas makisig ito ngayon.

"Hi! Gising ka pa pala," bati nito sa kanya.

Mabuti na lang at may bra siya ngayon hindi tulad noon. "Madaling-araw talaga kung matulog ako. Ikaw, bakit gising ka pa?"

"Hindi ako makatulog, eh. I feel so worried."

"About what?"

Lumapit si Frei sa cupboard at kumuha ng baso. Kinuha nito ang pitsel ng tubig sa pinaglapagan niya sa counter. "About Leslie. Wala na akong balita tungkol sa kanya. Maski mga kamag-anak niya sa Manila, walang balita tungkol sa kanya. Nasa States na kasi ang buong family niya."

Hindi umimik si Vee. She should go away and leave him. Pero nagdalawang-isip siya. She was curious about his relationship with Leslie. She wanted to hear his story.

"I wanted to go to the States to see her pero baka hindi makabuti. Paano kung may iba na siya?"

"Then accept it. Kung ayaw na niya sa iyo, huwag mong ipagpilitan ang sarili mo sa kanya. Hayaan mo na siya."

"You haven't been in love, right?"

Tumango si Vee.

"Kaya madali lang para sa iyo ang sabihin iyan. Hindi mo pa kasi nararanasang ma-in love. Letting go of the person you love is not easy."

"But you have to try to move on. Kahit mahirap, kailangan mong gawin. If you are destined to get hurt..." for three consecutive times... "you have to accept that if you want to continue living. That's the complexity of life."

Tumitig ito sa kanya. "How did you become that strong, Vee?"

"Life taught me to be strong." Mula pagkabata niya, natutuhan na niyang maging matatag para sa kanyang sarili dahil wala naman siyang ibang maaasahang magpoprotekta sa kanya.

Bahagyang ngumiti si Frei. "I admire your strength as a woman. Most women need men in their lives. They are usually desperate to get married. Pero ikaw, mukhang kayang-kaya mong mag-isa."

Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na may ibang taong pumuri sa kanya. Somehow, she felt proud of herself because of what he just said. "Maybe because I am a witch. Witches are strong creatures. Hindi mo ba naisip iyon?" sabi niya. Gusto niyang malaman kung ano ang isasagot nito.

Ngumiti ito. "You're half witch-half human. Alam kong half of you still need what all human needs."

Siguro tama si Frei. May mga pangangailangan siya bilang tao pero natutuhan na niyang tanggapin ang kanyang kapalaran. Tinanggap niyang may mga bagay na hindi maaaring mapasakanya gustuhin man niya. Tulad ng isang ina at isang ama na gagabay sa kanya, pag-ibig, at eventually, masayang pamilya sa hinaharap. Mayamaya ay napabahin siya. "Excuse me. Aakyat na ako."

Tumango si Frei. Papalabas na siya ng kusina nang may maalala siyang sabihin.

"I'll talk to you tomorrow. May mahalaga tayong pag-uusapan."

"All right. Goodnight. Sweet dreams, Vee," nakangiting sabi nito.

Ginantihan niya ang ngiti ang binata."Goodnight." Nang makatalikod siya, saka niya na-realize ang kanyang iniakto.Did she just act nice to him? She even smiled at him, for goodness' sake!    

VEE, The Pretty Witch [COMPLETED] (St. Catherine University Series Book #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon