Part 35

11.3K 327 0
                                    


SINALUBONG ni Frei ang mahigpit na yakap ni Shane. Panay ang "thank you" nito kahit hindi pa niya naiaabot ang regalong hawak niya. It was Shane's birthday party.

"You're welcome, baby." Saka niya iniabot ang regalo.

"You shouldn't have brought another gift. The gifts you gave me this morning were more than enough. It really made my day, Uncle. Thank you so much!"

Nagtaka siya. "This morning? Wala akong ibinigay na gift kaninang umaga."

Hindi nawala ang ngiti ni Shane. "There you go again, Uncle. You really love to joke around."

"What are you talking about? Ito lang ang gift ko sa iyo. Baka sa iba galing iyon."

Kumunot ang noo ni Shane.

"Ano ba iyong gift na sinasabi mo?"

"Wait." Pumasok sa loob ng bahay si Shane at pagbalik ay may dala nang libro—ang third book ng The World Of Mystic series. Binuksan nito iyon at iniabot sa kanya. "Look."

May autograph ang unang pahina ng libro.

Dear Shane,

Hello! Thanks for reading my books. Stay sweet and keep smiling. Happy birthday! Love,

Hera Lou

Hera Lou signed Shane's book! And she even greeted his niece on her birthday. And that book... Iyon ang librong naiwan niya sa Davao, sa bahay ni Vee!

Hindi niya sinabi sa pamangkin na hindi na kompleto ang mga libro nito na nasa kanyang pag-iingat. Bumili na lang siya ng bago para palitan iyon. Hindi pa niya nasasabi rito na hindi pa nahahanap ng private detective kung nasaan si Hera Lou. At dahil doon, bumili siya ng napakamahal na regalo para sa pamangkin para hindi ito malungkot dahil hindi niya naibigay ang gusto nito sa birthday nito.

Paano nangyaring na kay Shane na ang libro nito na naiwan niya sa bahay ni Vee at may pirma pa iyon ng author? Gumana ang isip ni Frei. He remembered telling Vee that thing about his niece. Si Vee lang ang pinagsabihan niya tungkol doon. Hindi kaya...?

"What happened, Uncle? Hindi ba talaga ikaw ang nag-send sa akin niyan? I thought you wanted to surprise me so you sent the book to me by courier. I wonder where the other two books are. Pero hindi ko na pinansin iyon kasi merong new book na kasama iyan. The fourth book! Hera Lou signed it, too. I'm so happy kasi next week pa ang official market release ng fourth book pero meron na agad ako!" tuwang-tuwang sabi ni Shane.

"I didn't give you this, baby."

"How come? I don't understand. If you didn't send that to me, then who did?"

Nagpakawala siya ng buntong-hininga. "Hera Lou herself."

Mukhang namangha ito. "Really?"

Tumango siya. Hera Lou was no other than Vee.

VEE, The Pretty Witch [COMPLETED] (St. Catherine University Series Book #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon